Paghahari ng Espiritu Santo sa Conclave, ipinagdarasal ni de Villa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,500 total views

Ipinapanalangin ni former Philippine Ambassador to the Vatican Henrietta de Villa ang paggabay ng Espiritu Santo sa mga cardinal electors para sa gagawing Conclave simula ngayong May 7, 2025.

Ayon sa dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican, nawa ay maging bukas ang lahat ng mga cardinal electors sa paggabay ng Panginoon upang ganap na maihalal ang bagong punong pastol ng Simbahang Katolika na pinili ng Diyos upang magsilbing pastol ng kanyang kawan.

Paliwanag ni De Villa, mahalaga ang pananalangin ng bawat isa upang mapili at maihalal ng mga cardinal electors ang Santo Papang kinakailangan at tunay na makabubuti sa Simbahang Katolika sa kasalukuyang panahon.

“I have been praying since that 9-days Novendialis after Pope Francis died, I have been praying for God to send the Holy Spirit to guide the Cardinal Electors so that the Pope they will elect, they will choose will be the Pope good for our times and Pope that I know the Lord has already chosen, and that they will be open to the promptness of the Holy Spirit, and I’m sure they will be, because now it will have to be an act of God.” Bahagi ng pahayag ni De Villa sa Radyo Veritas.

Bahagi rin ng panalangin ni De Villa na magkaroon ang mga cardinal electors ng kaliwanagan ng isip tulad ng sa Panginoon upang maihalal ang bagong Santo Papa na magpapatuloy sa misyong kalingain ang mga dukha, at bigyang pag-asa ang daigdig na puno ng kawalang katiyakan, kaguluhan at hindi pagkakapantay.

“Especially yung mundo natin ngayon na hindi mo maintindihan, ako hindi ko talaga naiintindihan na of course dati pa yan na ang dami-daming gyera, ang dami-daming away hindi nagkakaintindihan pero ibang kultura yung tinatawag nilang ‘woke woke’ para bang God is being set aside, not only the poor or marginalized, those who are different but God himself is being set-aside and I pray to God ‘God take control, change your creation, make it new’ and I pray that that’s what the Holy Spirit do to the cardinal electors give them a new mindset, the mindset of God when they choose the Pope and I have great hope because the Lord hears the cry of the poor.” Dagdag pa ni De Villa.

Ngayong May 7, 2025 ang ika – 17 araw mula nang pumanaw si Pope Francis noong April 21, 2025 isang araw makalipas ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.
Gaganapin ang conclave sa Sistine Chapel ng Vatican na mananatiling sarado sa publiko upang bigyang daan ang panahon ng pagninilay at pananalangin ng mga cardinal upang maihalal ang susunod na punong pastol ng Simbahang Katolika.

Magsisimula ang conclave sa pamamagitan ng pagdiriwang ng banal na misa sa umaga at sa hapon ang unang yugto ng botohan kung saan susunugin ang mga balota sa pagtatapos ng botohan, itim ang usok na lalabas sa Sistine Chapel kung wala pang napipili ang mga cardinal habang putting usok naman kung mayroon nang bagong Santo Papa ang Simbahang Katolika.
Sa kasalukuyan 133 mula sa 252 cardinal sa mundo ang kabilang sa tinaguriang cardinal electors na makalalahok sa pagpili ng bagong Santo Papa na magpapastol sa 1.4 na bilyong Katoliko sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 27,872 total views

 27,872 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 48,852 total views

 48,852 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 71,280 total views

 71,280 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 244,377 total views

 244,377 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 219,948 total views

 219,948 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 548 total views

 548 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »

EJK Truth Commission, itinatag

 4,299 total views

 4,299 total views Pormal nang inilunsad ang isang independent at civilian-led Truth Commission na magsisilbing truth-seeking body upang bumuo ng kapani-paniwala at pampublikong tala at imbestigasyon

Read More »
Scroll to Top