Paghubog sa katapatan ng mga botante, prayoridad ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,885 total reads

Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na bukod sa pagtiyak ng katapatan ng sistema ng halalan sa bansa ay mahalaga ring tutukan ang paghuhubog sa katapatan ng mismong mga botante.

Ito ang binigyang diin ni PPCRV Executive Director Jude Liao kaugnay sa patuloy na suliranin ng vote buying at vote selling tuwing panahon ng halalan sa bansa.

Ayon kay Liao, mahalagang tutukan ang paggabay sa mga botante sa pamamagitan ng values formation program na muling paiigtingin ng PPCRV bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at matapat na eleksyon sa Pilipinas.

Pagbabahagi ni Liao, napapanahon ng mamulat ang mga botante sa kahalagahan ng paninindigan para sa bansa sa pamamagitan ng hindi pagbibenta ng kanilang boto para sa panandaliang pagkakaroon ng salapi mula sa mga kandidato.

“More than the system its actually also the voters, diba grabe pa rin po ang vote buying natin sa Pilipinas aminin man natin sa hindi. Kaya talagang napakahalaga yung formation program and values formation program natin ay bumaba [hanggang sa mga simpleng mamamayan] para talagang makita nila na ang vote buying bibilhin yung boto mo para may makain kasi diba laging survival ang issue, but sana makita natin bilang Pilipino na long-term.” Bahagi ng pahayag ni Liao sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Liao, dapat na maunawaan ng mga botante na sa kabila ng tukso na dulot ng anumang halaga na ibibigay ng mga kandidato ay hindi matatawaran nito ang pang-matagalang epektong dulot ng pagbibenta ng kanilang boto.
“Ang isipin natin pagdating sa election hindi lang short-term na porket inabutan tayo ng ganito o ganun, dahil pwedeng may inabot nga ngayon pero yung long-term naman ay hindi ganun kaganda ang magiging karanasan natin, so yun yung isa sa mga bagay na tiningnan namin at syempre samo’t dalangin din namin sa PPCRV.” Dagdag pa ni Liao.

Bilang pagpapaigting sa values development program ng PPCRV ay nakatakdang ilunsad sa ika-10 ng Setyembre, 2024 ganap na alas-3 ng hapon sa Dusit Thani Hotel sa Makati ang TIBOK PINOY na layuning hubugin ang mga botante sa pagiging isang mabuting, matapat at modelong mamamayan bilang paghahanda na rin sa nalalapit na 2025 Midterm Elections sa susunod na taon.

Una ng binigyang diin ni 1987 Constitutional Framer at Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. na kapwa may pananagutan ang mga pulitiko at botante sa talamak na Vote Buying tuwing sasapit ang halalan kung saan iginiit din ng Obispo na walang obligasyon ang sinuman na tupdin o tuparin ang isang immoral na kasunduan tulad na lamang ng Vote Buying na tila pagbibenta ng bayan sa kamay ng mga pulitiko na pansariling interes lamang ang pinahahalagahan.

Alinsunod na Omnibus Election Code nangunguna sa listahan ng election offense ang Vote Buying at Vote Selling kung saan nasasaad sa nasabing batas na sakaling mapatunayan ay mahaharap ang bumili ng boto at mga kinasangkapan nito gayundin ang humingi o tumanggap ng anumang halaga sa pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon, bukod dito maari din madisqualify ang isang pulitiko mula sa public office at maaring mawalan ng karapatan na bumoto.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 25,171 total reads

 25,171 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 47,789 total reads

 47,789 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 87,087 total reads

 87,087 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 121,215 total reads

 121,215 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 177,621 total reads

 177,621 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 25,173 total reads

 25,173 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top