Pagiging heritage site ng Baclaran Church, isinusulong ni Senator Estrada

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,590 total reads

Isinusulong ni Senator Jinggoy Estrada ang pagdideklara na heritage site ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran church at paligid ng simbahan.

Sa Senate Bill No. 2278 ni Estrada, binigyang diin nito na bahagi ng espiritwal na buhay ng mga Pilipino ang simbahan ng Baclaran gayundin sa makasaysayang tradisyon ng mamamayan na mayorya ay mga katoliko.

“Hindi maikakaila na ang Redemptorist Church na kilala rin bilang National Shrine of Our Mother of Perpetual ay isa sa pinakasikat na simbahan sa bansa at itinuturing na isa sa pinakamalaking Marian churches sa bansa na umaakit ng maraming deboto at turista.” bahagi ng pahayag ni Estrada.

Kamakailan ay kinilala ng National Museum of the Philippines ang Baclaran Church bilang “important cultural property” ng bansa.

Layunin ng inihaing panukala ni Estradda na itatag ang polisiyang magpapanatili sa kahalagahan ng kasaysayan at panlipunang kultura gayundin ang pagtiyak sa accessibility, kaginhawaan at kaligtasan ng bawat debotong bumibisita sa dambana.

Sa paghirang na heritage site at tourist destination, aatasan ang Department of Tourism (DOT) na makipagtulungan sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Department of Public Works and Highways (DPWH), lokal na pamahalaan ng Parañaque, at iba pang stakeholders na magbalangkas ng plano para mapaunlad ang turismo sa lugar kabilang na ang pagtatayo ng angkop na pasilidad sa Baclaran Church.

Inihayag ng mambabatas na ang pondo para sa implementasyon ng tourism development plan ay isasama sa budget ng lokal na pamahalaan ng Parañaque habang ang DOT naman ang magbibigay ng technical assistance sa tourism capacity building ng Baclaran Church.

Sa datos nasa 130 mga simabahan sa bansa ang kinilala ng pamahalaan na Important Cultural Property, National Historical Landmark, at National Cultural Treasure dahil sa pagiging bahagi ng mayamang kasaysayan ng bansa.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 38,176 total reads

 38,176 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 143,637 total reads

 143,637 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 229,006 total reads

 229,006 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 275,743 total reads

 275,743 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 323,615 total reads

 323,615 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 420,338 total reads

 420,338 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top