Pagkabuo ng pamilya, positibong dulot ng Ecnhanced Community Quarantine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total views

April 4, 2020, 2:40PM

Pagbubuklod, pagsasama at pagkabuo ng pamilya ang magandang naidulot ng ipinatutupad na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine bilang pag-iingat mula sa pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ito ang ibinahagi ni Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angel Cortez, OFM sa epekto ng isang buwang Enhanced Community Quarantine na inaasahang magtatagal hanggang sa ika-14 ng Abril, 2020.

Ipinaliwanag ng Pari na dahil sa pansamantalang suspensyon ng mga negosyo, pampublikong transportasyon at maging klase sa lahat ng antas sa Luzon ay nagkaroon ng pagkakataon ang bawat pamilya na mabuo at muling makapagdasal ng sama sama lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma.

“Kasi nung nagkaroon na ng mga dahilan yung hanapbuhay o kaya itong social media tapos yun pang kultura ng mga Millenials bihira na talaga yung pamilya na sama-samang kumain, sama-samang magdasal pero ngayon magugulat ka kahit sa social media makikita mo yung nagkukumahog talaga yung pamilya, yung hindi lang pamilya na nanay, tatay ganun kundi kompleto talaga, so isa ito malaking naidulot at para sa akin ay napapanahon din dahil Kuwaresma ngayon…”pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Pari na hindi dahilan ang anumang sitwasyon sa pagsasawalang bahala para sa kapakanan ng kapwa.

Ayon kay Fr. Cortez, mahalagang patuloy na magkaisa ang mamamayan upang sama-samang malagpasan ang banta ng sakit sa pamamagitan ng pagtulong sa anumang pamamaraan.

Naunang hinikayat ng A-M-R-S-P ang iba’t-ibang kongregasyon ng Simbahang Katolika na buksang ang mga kumbento at Simbahan para sa mga lubos na nangangailangan tulad na lamang ng mga walang tahanan.

Read: “https://www.veritas846.ph/frontliners-na-walang-matutuluyan-tatanggapin-ng-simbahan/”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 58,532 total views

 58,532 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 54,401 total views

 54,401 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 90,603 total views

 90,603 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 98,923 total views

 98,923 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 123,388 total views

 123,388 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top