Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakaisa at paninindigan ng mamamayan sa katotohanan,katarungan at kapayapaan, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 271 total views

Nagpahayag ng kagalakan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity sa pakikiisa ng iba’t- ibang sektor ng lipunan at denominasyon ng Simbahan sa naganap na malawakang pagtitipon para sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan at kapayapaan.

Ayon sa Obispo, ang aktibong pakikiisa ng mga dumalo sa naganap na One Faith, One Nation, One Voice: A Gathering for Truth, Justice and Peace ay tanda na unti-unti nang nawawala ang takot ng mga mamamayan at kanilang kahandaan upang sama-samang manindigan laban sa mga pang-aabuso at maling nagaganap sa bansa.

Inihayag ni Bishop Pabillo na magandang opurtunidad ang pambihirang pagsasama-sama ng mga pari, madre, seminarista, layko, mga kinatawan mula sa iba’t ibang denominasyon ng Simbahan upang ipahayag sa mga opisyal ng bansa ang paninindigan at panawagan para sa katotohanan, katarungan at kapayapaan.

“Maganda pong tingnan na marami na galing sa iba’t ibang mga lugar at iba’t-ibang mga denominasyon, mga madre, mga pari, mga seminarista, mga layko na nagkaisa tayo dito sa pagpapahayag ng ating boses, ito’y magandang maramdaman na ngayon nawawala na ang takot ng mga tao na handa na silang manindigan at magsama-samang magsalita at sobra na itong pang-aabuso sa atin…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Layunin ng naganap na One Faith, One Nation, One Voice: A Gathering for Truth, Justice and Peace sa Rajah Sulayman Plaza, Malate, Manila na ipahayag ang pagkakaisa ng iba’t-ibang sektor, relihiyon at denominasyon na mayroong iisang panawagan na bigyang paggalang ang batas, pahalagahan ang buhay, igalang ang pananampalataya ng bawat isa, wakasan na ang karahasan at bigyang solusyon ang kahirapan.

Ang naganap na pagtitipon ay kasabay ng paggunita sa Bible Month at Week of Prayer for Christian Unity na pingunahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at National Council of Churches in the Philippines.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 16,346 total views

 16,346 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 29,782 total views

 29,782 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 46,466 total views

 46,466 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 57,079 total views

 57,079 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 8,334 total views

 8,334 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top