Pagkatatag ng Diocese of Malolos, isang biyaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,173 total reads

Itinuturing na biyaya at hamon ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diyosesis ng Malolos.

Ayon sa Obispo, bagamat sinasalamin ng anim na dekada ng Diyosesis ang malalim na pananampalataya ng mga Katoliko sa lugar ay mahalaga pa ring higit na mapagyabong at mapagyaman ito sa pamamagitan ng patuloy na paggabay ng Panginoon.

Paliwanag ni Bishop Villarojo, kasabay ng pagbabalik-tanaw sa mayamang naging bunga ng punla ng pananampalatayang Katoliko sa Diyosesis ay ang hamon para sa bawat isa partikular na sa mga lingkod ng Simbahan na patuloy na palaganapin ang Kristiyanismo lalo na para sa susunod pang henerasyon.

“It’s also a challenge para sa atin, para sa amin dito sa Malolos na pagyabungin at pagyamanin pa, palalimin ang pananampalataya namin dito na nakikita ko naman bilang isang relatively bagong Obispo dito na nadatnan ko na talagang napakalalim at napakamakulay ng pananampalataya ng mga Bulakeño at yun ay pinagpapasalamat namin, natin sa Panginoon dahil wala naman tayong magagawa kapag hindi ang Panginoon mismo ang gumawa at nagbibigay ng biyaya,” ang bahagi ng pahayag ni Malolos Bishop Dennis Villarojo sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ng Obispo, naaangkop ang tema ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diyosesis ng Malolos na “Pinagkalooban” bilang pagkilala sa biyaya ng pananampalataya na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa kung saan patuloy ring ginugunita ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa.

“Ang tema ng pagdiriwang na ito is ‘Pinagkalooban’ it is a recognition, an acknowledgment sa amin na mga tao dito sa Malolos sa ipinagkaloob ng Panginoon, ang biyaya ng pananampalataya na nagkataon naman sa ating 500 years of Christianity. This is the 60th anniversary of the diocese of Malolos, yung pagkakatatag niya at kung ang isang sambayan ay nagiging isang diyosesis yan ay isang malaking biyaya sapagkat ito’y palatandaan na ang pananampalataya ng mga tao sa lugar na yun ay nagiging mature na at magiging independent na siya na isang eclesiastical teritory,” dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Sa loob ng 60-taon ay limang Obispo na ang nagsilbing punong pastol ng Diyosesis ng Malolos na kinabibilangan nina Bishop Manuel P. del Rosario, D.D. – ang kauna-unahang obispo ng diyosesis mula 1962-1977; Bishop Cirilo R. Almario, Jr., D.D. – 1977-1996; Bishop Rolando Octavus Joven T. Tirona, D.D. – 1996-2003; Bishop Jose F. Oliveros, D.D. – 2004-2018; at si Bishop Dennis C. Villarojo, D.D ang ika-limang Obispo ng Malolos na iniluklok noong Agosto 21, 2019.

Ang Diyosesis ng Malolos ay isa sa mga diyosesis na sakop ng Probinsiya Eklesiyastikal ng Maynila na binubuo ng buong lalawigan ng Bulacan at buong lungsod ng Valenzuela na sakop ng Kalakhang Maynila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,291 total reads

 93,291 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,455 total reads

 170,455 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,903 total reads

 203,903 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,202 total reads

 239,202 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,097 total reads

 462,097 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top