Paglingap sa mga nangangailangan sa lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 598 total reads

Ito ang nais ni Meneleo Carlos Jr., Pangulo ng Resins Incorporated at may-ari ng Riverbanks Center na isa sa mga donors ng Caritas Manila.

Ayon kay Carlos, kailangang tulungan ang mga mahihirap upang maiangat sa kahirapan.

Kaugnay nito, nais ng pamilya Carlos na palawakin ang pagtulong sa mga nasa bundok o ang mga katutubong naninirahan sa mga kabundukan ng bansa sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang pagtanim at pagpapalaki ng mga puno.

“Marami pa rin tayong tinutulungan, gusto kong tulungan ngayon ang mga Magbubukid, yung mga nasa bundok lalo yung mga nagtatanim ng puno.” pahayag ni Carlos sa Radio Veritas.

Naniniwala itong malaking tulong sa kabuhayan ng mga mamamayan ang pagtatanim ng mga punongkahoy lalo’t malaki Commercial Value nito.

Bukod sa libreng pagsasanay sa tamang pagtatanim at pagpapalaki ng mga punongkahoy at cloning, bibigyan din ng libreng seedlings ang mga benepisyaryo para tuluyang makapagsimula sa pagtatanim ng mga puno.

Unang inilunsad ang Tree planting Campaign sa Mindanao sa nakalipas na 12 taon sa pangunguna ng Claveria Tree Nursery Incorporated na pagmamay-ari din ng pamilya Carlos kung saan nakabase ito sa Mindanao kaya’t nagnanais itong mapalawak pa ang ito sa buong bansa.

“Yung Claveria Nursery Tree namin ay 12 years old na pero nasa Mindanao, ang gusto ko magturo ng mga tao dito sa Luzon at Visayas nang sa ganun lahat ng kababayan natin sa bundok ay magkaroon ng Oportunidad magtanim nitong mga Fast Growing Trees.” dagdag pa ni Carlos.

Inaasahan ni Carlos na maipalaganap ang kampanyang ito dahil bukod sa nakatutulong sa kabuhayan ng mga katutubo ay higit din itong nakatutulong sa pagpapanatiling maayos sa ating kapaligiran.

Samantala, binigyan ng pamilya Carlos ng dalawang libreng espasyo ang Segunda Mana Charity Outlet ng Caritas Manila sa Riverbanks Center sa Marikina City upang makatulong sa hangarin nitong tulungan ang mga kabataang makapag-aral at makabili ang mamamayan ng de kalidad na produkto sa murang halaga.

“Binigyan namin sila ng free space dito ngayon dalawa na dito sa Riverbanks Center. Tulong sa kanila, para naman makakuha sila ng magandang produkto na murang mura.” pahayag ni Carlos

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat mamamayan upang maisulong ang pag-unlad ng pamayanam na walang naisasantabing sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 112,361 total reads

 112,361 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 206,388 total reads

 206,388 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 250,657 total reads

 250,657 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 273,766 total reads

 273,766 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 343,722 total reads

 343,722 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top