Paglingkuran ang mahihirap at nangangailangan, panawagan ni Cardinal Tagle sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,505 total reads

Hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization sa Section for First Evangelization and New Particular Churches at bagong Dean ng College of Cardinals, ang mga kabataan na isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga mahihirap at higit na nangangailangan, kabilang ang mga walang tirahan at mga kapos sa pangunahing pangangailangan.

Pinarating ito ni Cardnal Tagle sa kaniyang pagninilay para sa misang iniaalay sa sa Church of Santa Maria Maggiore – Shrine of the Renunciation sa Assisi, Italy para sa kapistahan ni Saint Carlo Acutis at paggunita ng kaniyang kamatayan.

Ayon sa Kardinal, hindi lamang dapat tumanggap ng biyaya ng Diyos ang mga Kristiyano, kundi maging tagapaghatid din nito sa kapwa dahil dapat mahing ehemploe ang Kabataang Santo na nagboluntaryo sa ‘soup kitchens’ noong nabubuhay pa, nagbigay ng mga damit sa mahihirap, nagmalasakit sa mga walang tirahan, at nagtanggol sa mga kabataang nakararanas ng pambu-bully.

“St. Carlo Acutis regularly attended the Eucharistic banquet, not to isolate himself from others and the world. Rather, the Lord’s banquet became for him a mission to invite others to savor the goodness of Jesus. Carlo inspired his own family to draw closer to Jesus. Thanks to Carlo, Rajesh Mohur He discovered Jesus. Carlo had a special affection for the homeless. He volunteered at a soup kitchen,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Tagle na pinadala ng Diocese of Assisi Italy sa Radyo Veritas.

Binigyang diin pa ng Opisyal ng Vatican ang kahalagahan ng pagtugon sa pangangailangan ng mga sektor na nakararanas ng kahirapan at panlipunang pagkakait, sa halip na magtuon lamang sa pansariling kapakanan.

Ayon kay Cardinal Tagle, dapat maging misyon ng mga Kristiyano ang pag-abot sa lahat ng tao at pagbabahagi ng pagmamahal, kaligtasan, at kapayapaan ng Diyos, sa halip na magpalaganap ng diskriminasyon, kasinungalingan, at karahasan.

Pinangunahan ni Cardinal Tagle ang misang idinaos sa Diocese of Assisi Italy bilang bahagi ng apat na araw na pagdiriwang para sa kapistahan ni San Carlo Acutis at ika-20 anibersaryo ng kaniyang pagpanaw noong October 12, 2006 kung saan

““Do we take our mission seriously? Are we willing, in the name of God, to reach out to all kinds of people, wherever they are: on the streets, in schools, in offices, in hospitals, in slums, in war zones, on social media? Or do we choose only the people and places that are convenient for us? And what message do we bring when we meet people? Do we bring God’s invitation to his feast of love, salvation, and peace?,” bahagi pa ng pagninilay ni Cardinal Tagle na pinadala ng Diocese of Assisi Italy sa Radyo Veritas.

Ayon sa Diocese of Assisi, umabot na sa 1.7-milyon ang mga mananampalataya ang naitalang bumisita sa dambana Simula July 2025, habang patuloy na nagsilbing inspirasyon ang batang santo sa mga kabataan upang isabuhay ang pananampalataya sa makabagong panahon, kabilang ang paglilingkod sa mga mahihirap at higit na nangangailangan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 70,499 total reads

 70,499 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 210,507 total reads

 210,507 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 326,283 total reads

 326,283 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 444,228 total reads

 444,228 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 93,367 total reads

 93,367 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top