Pagmimina, hindi nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 790 total views

Ito ang paninindigan ni Jaybee Garganera, National Coordinator ng grupong Alyansa Tigil Mina kaugnay sa patuloy na pagsasagawa ng pagmimina sa bansa.

Sa pagsusuri ng pamahalaan, ipinagmalaki nito na malaki ang maitutulong ng pagmimina sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa lalo na ngayong nagkaroon ng krisis bunsod ng coronavirus pandemic.

Gayunman, iginiit ni Garganera na ang pagsusuri ng pamahalaan ay walang katotohanan dahil mas mababa pa sa isang porsyento ang nai-aambag ng pagmimina sa Gross Domestic Product ng bansa.

Ipinaliwanag ni Garganera na ang mga kagubatan at karagatan na likas na yaman ng bansa ang nasisira sa operasyon ng pagmimina na lubhang nakakaapekto sa ikinabubuhay ng mamamayan.

Kabilang na rito ang pagsasaka at pangingisda na 16 na porsyento ang naiaambag sa ekonomiya kumpara sa 1-porsyento mula sa pagmimina.

Batay sa Indigenous People’s Rights Act, kailangan muna ng pahintulot at pagsang-ayon ng mga katutubo bago magtayo at magsagawa ng pagmimina sa kanilang lupaing ninuno.

Ibinahagi ni Garganera na marami sa mga katutubong komunidad ang nakararanas ng pananakot at sapilitang pagpapaalis sa kanilang mga lupain upang makapagsagawa ng pagmimina.

Batay sa Laudato Si ni Pope Francis, ikinalulungkot nito ang sapilitang pagpapaalis sa mga katutubo sa kanilang mga lupain upang makapagsagawa ang mga makapangyarihang kumpanya ng pagmimina at abusuhin ang iba pang likas na yaman.

Panawagan naman ng grupo at iba pang makakalikasang organisasyon ang pagsusulong ng bagong batas na magtataguyod at magbabago sa nakasanayang pagsasagawa ng pagmimina sa bansa.

Marso 3, 1995 nang maging batas ang Republic Act 7942 o Philippine Mining Act.

Ayon sa Catholic Social Teaching, bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang ang kinikita nito ay nakakamit nang hindi nasasakripisyo o naaapektuhan ang bawat mamamayan partikular na ang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 42,705 total views

 42,705 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 48,834 total views

 48,834 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 78,976 total views

 78,976 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 98,524 total views

 98,524 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 117,383 total views

 117,383 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 4,552 total views

 4,552 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top