Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapahinto ng pagmimina sa Palawan, hiniling ng ELAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,254 total views

Nananawagan sa pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang Environmental Legal Assistance Center (ELAC) na magpasa ng resolusyong magpapahinto sa isinasagawang pagmimina sa lalawigan.

Kasunod ito ng pagbaha sa Brooke’s Point, Palawan sanhi ng patuloy na pag-uulang dala ng low pressure area at Shear Line.

Ayon kay ELAC executive director Atty. Grizelda Mayo-Anda, dapat magkaroon muna ng pag-aaral ang lokal na pamahalaan ng Palawan upang higit na matukoy ang dahilan ng lumalalang pinsala sa kalikasan ng lalawigan.

“We strongly urge the Provincial Board of Palawan to pass a resolution to request the Department of Environment and Natural Resources (DENR) and other government agencies to impose a moratorium [on mining and quarrying] pending the conduct of assessment,” pahayag ni Anda.

Sinabi ni Anda na makabubuti ring isulong ng Palawan Council for Sustainable Development at DENR ang disaster risk reduction and management at pagtugon sa pagbabago ng klima.

Iminungkahi naman ng opisyal na balikan ang Strategic Environmental Plan clearance para sa mga proyekto sa Palawan, maging ang Annual Environmental Protection Enhancement Program ng lahat ng minahan sa lalawigan.

Ito’y upang matugunan ang mga katanungan hinggil sa mga alalahanin sa kalikasan at maging batayan sa pagpapatupad ng moratorium sa lahat ng uri ng pagmimina sa Palawan.

“Kung wala kang sapat na pag-aaral at alanganin tayo, gumawa tayo ng hakbang. Ang burden of proof niyan ay wala sa mga mamamayan. The burden of proof should shift to those who have destroyed our natural forests,” ayon kay Anda.

Sa kasalukuyan, mayroong apat na minahan ang nagsasagawa ng operasyon sa Palawan na patuloy na pinipigilan ng mamamayan maging ng simbahang katolika at iba pang denominasyon.

Ito’y ang Rio Tuba Nickel Mining Corporation at Berong Nickel Corp. sa mga bayan ng Bataraza at Quezon, gayundin sa Narra at Brooke’s Point na matatagpuan naman ang Citinickel Mines and Development Corp., at Ipilan Nickel Corp.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 26,833 total views

 26,833 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 43,441 total views

 43,441 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 53,152 total views

 53,152 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Andaming sumasawsaw

 130,092 total views

 130,092 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Mangalinao, kinasuhan

 4,907 total views

 4,907 total views Kinasuhan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, kasama ang iba pang environmental advocates dahil sa mariing pagtutol sa isinasagawang exploration activities ng North

Read More »
Scroll to Top