Pagpapalaganap ng katesismo, pinalawak ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,542 total views

Pinalalakas ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang katesismo bilang pagpapatibay sa biyaya ng pananampalatayang tinanggap ng mga Pilipino.

Ito ang pahayag ni Bishop Broderick Pabillo sa pagdiriwang ng Catechist Day tuwing ikatlong Linggo ng Setyembre.
Ayon sa obispo binibigyang pahalaga ng bikaryato ang pagtuturo ng katesismo sapagkat ito ang pangunahing maghuhubog sa pananampalataya lalo na sa mga kabataan.

“Sa ating Bikaryato ang catechesis ay isang pangunahing programa natin. Kaya nagte-train tayo ng mga katekista. Kaya hinihikayat natin na magkaroon ng pagtuturo ng pananampalataya sa bawat chapel natin linggo-linggo,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Umaasa rin ang obispo na mapahintulutang makapagturo ng katekesis sa mga pampublikong paaralan sa mga nasasakupang komunidad ng bikaryato sa Northern Palawan sa susunod na taon upang higit mapaigting ang pananampalataya sa pamayanan.

Kinilala ni Bishop Pabillo ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga katekista sa lipunan dahil ito ang naghahanda sa mga kabataan sa pagtanggap ng mga sakramento tulad ng First Confession at First Communion gayundin ang kumpil.

“Mahalaga po ang papel ng mga katekista…Ginagabayan nila ang mga kabataan na mahalin ang Diyos at magdasal palagi. Kung kilala ng mga kabataan ang Diyos, madaling mahubog ang kaugalian nila tungo sa kabutihan,” ani Bishop Pabillo.

Kamakailan ay isinagawa ng bikaryato sa pangunguna ni Bishop Pabillo ang kauna-unahang Catechetical Congress na nilahukan ng mga mananampalataya ng bawat parokya.

Tema ng National Catechetical Month ngayong taon ang ‘Revitalizing the gifts of being, becoming, and belonging to the Ministry of Catechists’ kung saan binibigyang pagkilala ang mga katekistang katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng turo ng simbahan sa mga paaralan at pamayanan.
Ito rin ay paggunita kay San Lorenzo Ruiz ang pintakasi ng mga katekista at unang Pilipinong santo na pinaslang dahil sa paninindigan at pagbabahagi ng pananampalataya.

Sa pagsusuri ng National Catechetical Studies katuwang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines nasa pagitan ng 40 hanggang 50 libo lamang ang mga katekista sa bansa na may mahigit sa 80 milyong populasyon ng mga katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 33,576 total views

 33,576 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 29,445 total views

 29,445 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 65,647 total views

 65,647 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 74,896 total views

 74,896 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 101,208 total views

 101,208 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top