Pagpaslang sa isang abogado sa Abra, kinundena ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,865 total views

Mariing kinundina ng Commission on Human Rights ang panibagong kaso ng pagpaslang laban sa isang abogado sa probinsya ng Abra.

Ayon sa komisyon, hindi katanggap-tanggap ang patuloy na mga serye ng katahasan na nagaganap sa bansa.

Iginiit ng CHR ang kagyat na pagtugon ng mga otoridad upang maparusahan ang mga nasa likod ng krimen at mabigyang katarungan ang sinapit ni Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales-Alzate.

“CHR strongly condemns the killing of another lawyer and joins the call for law enforcement agencies to urgently pursue the perpetrators of this violence so they may be brought to justice.” Ang bahagi ng pahayag ng CHR.

Paliwanag ng CHR, ang karahasan laban sa mga miyembro ng hudikatura ay maituturing na isang tahasang pagsasantabi at paglapastangan sa rule of law.

“In the midst of calls to address impunity, threats and attacks against the members of the legal profession directly affront the rule of law. CHR has since stressed their important role: courts, lawyers, and judges are crucial in administering justice, as well as in uncovering the truth, especially for gross human rights violations.” Dagdag pa ng CHR.

Giit ng komisyon, kinakailangan din ng mga miyembro ng hudikatura ang proteksyon at seguridad upang ganap na maisulong ang katotohanan at maipatupad ang batas sa bansa sa gitna ng paglaganap ng impunity at kawalang katarungan sa bansa.

“It is in the best interest of the government to protect lawyers so they may do their duty of ensuring justice without fear of threats and retaliation, especially for those who continue to stand up for the rights and interest of the weak, vulnerable, and marginalised members of the society.” Ayon pa sa CHR.

Batay sa tala ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) si Alzate na ang ikatlong abogado na napaslang sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod nina Atty. Danny Pondevilla noong December 20, 2022 at Atty. Elmer Mape noong August 22, 2023 ng kasalukuyang taon.

Umabot naman sa 61 na mga abogado ang napaslang sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 5,581 total views

 5,581 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 33,586 total views

 33,586 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 51,386 total views

 51,386 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 51,162 total views

 51,162 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 163,434 total views

 163,434 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 15,173 total views

 15,173 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top