Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Laudato Si Movement Philippines, nagpapasalamat sa, mga nakiisa sa ecumenical walk for creation

SHARE THE TRUTH

 1,992 total views

Nagpapasalamat ang Laudato Si’ Movement-Pilipinas sa lahat ng mga nakibahagi sa unang taon ng Ecumenical Walk for Creation 2023.

Ayon kay LSMP national coordinator, Columban Bro. John Din, kahanga-hanga ang pagsuporta ng bawat isa, anuman ang paniniwala at denominasyon, upang magkaisa sa pagmamalasakit sa nag-iisang tahanan.

Tinatayang humigit-kumulang 700 mananampalataya mula sa iba’t ibang grupo, kongregasyon, at denominasyon ang nakibahagi sa paglalakad para sa kalikasan na ginanap sa Christ the King Mission Seminary sa Quezon City nitong September 15.

“We were always surprised every year sa dami ng mga taong nagpakita ng suporta at dahil din siguro nakita nila na we need an event that brings us together so that we can walk together and respond together to climate emergency that we are facing,” pahayag ni Bro. Din sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ni Bro. Din na ang Walk for Creation ay bahagi lamang ng pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation, kaya naman hinihikayat nito ang mga mananampalataya na patuloy na suportahan ang mga gawain ng iba’t ibang diyosesis at parokya sa buong buwan ng Setyembre hanggang ikalawang linggo ng Oktubre.

Alinsunod na rin ito sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ensiklikal na Laudato Si’ na pangalagaan ang nag-iisang tahanan, at patuloy na gampanan ang tungkulin ng bawat isa bilang mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Samantala, hinamon naman ng Columban Lay Missionary ang mga opisyal ng pamahalaan na higit pang ipakita ang pagmamalasakit sa kalikasan hindi lamang sa paglikha ng mga batas, kun’di sa pagiging lingkod-bayan na tunay na isinasabuhay at isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga likas na yaman at bawat mamamayan.

“We go with the affected communities and we have to be in solidarity with them, and at the same time, calling our government leaders. They are the duty bearers and care for our common home goes beyond just implementing the laws. It’s also about our values of protecting the earth since we are part of it,” ayon kay Bro. Din.

Unang inilunsad ang Walk for Creation noong 2017 upang pagbuklurin ang mga mananampalataya na ipahayag sa pamamagitan ng paglalakad ang pagbibigay-pansin sa mga suliraning kinakaharap ng kalikasan at lipunan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,354 total views

 72,354 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,129 total views

 80,129 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,309 total views

 88,309 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 103,909 total views

 103,909 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 107,852 total views

 107,852 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 1,967 total views

 1,967 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 3,309 total views

 3,309 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top