Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapalago ng pananampalataya, paiigtingin ng kura-paroko ng Sacred Heart of Jesus Parish

SHARE THE TRUTH

 1,669 total views

Tiniyak ng bagong kura paroko ng Sacred Heart of Jesus Parish – Sta. Mesa Manila ang pagpapaigting ng mga programang makatutulong mahubog at mapalalim ang pananampalataya ng nasasakupan.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Artemio Fabros sinabi nitong ipagpatuloy ang mga gawaing magpapalago bilang isang komunidad.

“Pagsusumikapan kong itaguyod ang pamayanang ipinagkatiwala para mas umunlad ang panananampalataya at mailapit ang tao sa Panginoon,” ani Fr. Fabros.

Ginanap ang pagtalaga sa pari nitong January 24 kasabay ng pagbukas sa Jubilee Door ng simbahan sa pagdiriwang ng simbahan sa ika – 120 anibersaryo ng Pagdating ng Pagdedebosyon sa Mahal na Puso ni Hesus.

Sinabi ni Fr. Fabros na sa gabay ng Mahal na Puso ni Hesus ay higit na mapalalim ang pananampalataya ng sambayanan.

Hiling ng pari sa nasasakupan ang pagtutulungan upang mapagtagumpayan ang anumang gawain sa ikabubuti at ikauunlad ng parokya.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagbukas sa Jubilee Door at pagtalaga kay Fr. Fabros kung saan inihabilin ng cardinal sa mamamayan ang pari at hiniling na tuwangan sa mga gawain upang maging epektibong pinunong pastol ng parokya.

Dahil sa pagbukas ng Pintong Hubileyo ang makatatanggap ang sinumang dadalaw sa simbahan ng plenary indulgence alinsunod sa mga alintuntuning mangumpisal, tumanggap ng komunyon at ipanalangin ang natatanging intensyon ng Santo Papa Francisco.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 75,132 total views

 75,132 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 93,466 total views

 93,466 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 111,241 total views

 111,241 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 186,681 total views

 186,681 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 210,430 total views

 210,430 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 43,127 total views

 43,127 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »
Scroll to Top