Pagpapalakas ng technical group at seguridad ng automated election system, tututukan ng bagong PPCRV chairperson

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total reads

Hindi makina ang naghahalal sa mga opisyal ng bayan kundi ang mga botante.

Ito ang binigyang diin ng bagong chairperson ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na si Ms. Evelyn R. Singson sa dalawang aspekto na kanyang tututukan sa pamamahala sa pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika tuwing halalan sa bansa.

Bilang bagong pinuno ng PPCRV ay kabilang sa dalawang pangunahing isusulong ni Singson ang higit na pagpapalakas sa Technical Group na magbabantay sa integridad ng voting machines at pagbibigay seguridad sa sistema ng halalan o ang Automated Election System.

Bukod dito, inaasahan rin ang patuloy na pagsusulong ng PPCRV sa paggabay sa mga botante kaugnay sa kahalagahan ng eleksyon at ang pagninilay sa pagpili ng mga karapat-dapat na mga opisyal ng bayan.

“Evelyn [Singson], as the new Chairperson of PPCRV will focus on two main aspects in line with PPCRV’s mission: To strengthen the Technical Group of PPCRV in monitoring the integrity of the voting machines and, keeping secure and protected the Automated Election System. But at the same time, she averred that “machines do not elect the leadership, voters do.” As such, PPCRV’s ongoing work program will be “educating the voters to learn and discern what is moral and right.” This will define what responsible voting would mean for the electorate.”pahayag ng pamunuan ng PPCRV.

Papalitan ni Singson si Ms. Myla Villanueva na nagsilbing chairperson ng PPCRV sa nakalipas na dalawang national elections, noong 2019 midterm election at ang katatapos lamang na National and Local Elections noong nakalipas na ika-9 ng Mayo, 2022.

Palalakasin din ni Singson ang partisipasyon sa PPCRV ng lahat ng mga parokya, church institutions, schools, civic clubs at maging ang business community bilang katuwang sa pagbabantay sa malinis, matapat, mapayapa at responsableng halalan sa bansa.

“In her tenure, PPCRV will proactively invigorate parishes, church organizations, schools, civic clubs and the business community to join hands in ensuring responsible voting. Evelyn envisions a citizenry converted toward “putting country above self.”” Pagbabahagi pa ng PPCRV.

Si Singson ay nagsilbi bilang former president ng Management Association of the Philippines (MAP) at chairman ng Women for Women Foundation (Asia) Inc. na kilala rin sa kanyang mga gawin para sa pagsusulong ng women and youth empowerment.

Isa rin si Singson sa mga TOWNS’ (Ten Outstanding Women in the Nation’s Service) awardee.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,415 total reads

 73,415 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,531 total reads

 108,531 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,831 total reads

 143,831 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,100 total reads

 370,100 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,483 total reads

 259,483 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top