Pagpapalawak ng debosyon kay San Isidro Labrador, paiigtingin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,566 total views

Sisikapin ng Diocesan Shrine of San Isidro Labrador sa Pulilan Bulacan ang patuloy na paggawa ng mga hakbang na mapalawak ang debosyon kay San Isidro Labrador.

Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest, Msgr. Dario Cabral bilang dambana ni San Isidro Labrador ng Diocese of Malolos pangunahin nitong gawaing pagbuklurin ang mga parokya at kapilyang nakatalaga sa santo upang ipagdiwang ang kabanalan ni San Isidro.

“Bilang diocesan shrine naging responsibilidad namin na i-coordinate at magkaroon ng linkage ang lahat ng San Isidro Labrador Parishes and chapels na magtipon once a year na dapat ipagdiwang ang kabanalan ni San Isidro na paalala sa lahat lalo na sa mga tumatalikod sa Diyos na patuloy pakinggan ang tawag ng Diyos sa kabanalan,” pahayag ni Msgr. Cabral sa Radio Veritas.

Sinabi ng pari na sa inisyatibo ng dambana ay ginamit nitong pagkakataon ang canonization ng patron upang ipagdiwang ang kabanalan ni San Isidro Labrador sa pamamagitan ng paglunsad ng Grand Isidorian Procession.

Ikinatuwa ni Msgr. Cabral na bukod sa mga parokya at kapilyang nakatalaga kay San Isidro sa diyosesis ay nakilahok din sa gawain ang iba pang mga parokya ni San Isidro mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nitong March 12 sa 403rd canonization anniversary ng santo nasa 11 parokya ang lumahok sa pagdiriwang kung saan bago ang prusisyon ay pinangunahan ni Msgr. Cabral ang Banal na Misa.
Tinuran din ng pari na bilang patron ng mga magsasaka si San Isidro ay nililingap din nito ang sektor ng agrikultura kung saan noong 2022 sa ikaapat na sentenaryo ng pagiging banal ay inilunsad ng dambana ang national convention para sa mga magsasaka na layong hubugin ang kanilang espiritwalidad ayon sa mga halimbawa ni San Isidro.

“May convention para sa mga magsasaka hindi lamang para ma-develop ang kanilang pangkabuhayan kundi mahubog din spirituality ng magsasaka sa farming, ecology at love for environment,” ani ng pari.

Binigyang diin ni Msgr. Cabral na ang mga pagdiriwang sa buhay ni San Isidro ay paanyayang pagtuunan ang tawag ng kabanalan at isulong ang pagtataguyod sa kultura at mga tradisyon.
Samantala ipinagpasalamat din ni Msgr. Cabral ang pagkakataong tinanggap ang pagkilala bilang monsignori ng simbahang katolika noong March 11 isang araw bago ang canonization anniversary ni San Isidro na pawang mahalaga sa kanyang bokasyon sa pagpapari.

“Magandang okasyon na lingunin ang pagkapari; nakikita ko rito ang significance of the role of the priest in making the call of God to holiness more loudly and clearly listened to. Lahat ng pagkakataon dapat makita nating itinuturo tayo nito patungo sa Diyos na tumatawag sa atin sa kabanalan,” giit ni Msgr. Cabral.

Si San Isidro Labrador ay ganap na naging santo noong March 12, 1622 sa ritong pinangunahan ninoo’y Pope Gregory XV kasabay sina Sts. Ignatius, Francis Xavier, Teresa, at Philip Neri.
Kilala ang santo sa pagiging masigasig na mananampalatayang maagang gumigising at naglalaan ng oras sa Panginoon sa tuwing umaga bago tumungo sa kanyang bukirin at nagsasagawa ng pilgrimage sa mga simbahan sa Madrid Spain at kalapit na mga lugar kasama ang kanyang maybahay na si St. Maria de la Cabeza.

Bukod sa pagiging patron ng mga magsasaka at rural commuities kilala rin itong pintakasi ng Madrid, Spain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 62,041 total views

 62,041 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 95,123 total views

 95,123 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 123,474 total views

 123,474 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 191,206 total views

 191,206 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 210,039 total views

 210,039 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top