Pagpapawalang bisa sa RLL, isinusulong ng KMU

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,246 total reads

Nakiisa ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa mga apela na buwagin ang Rice Liberalization Law dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

Sa ika-anim na taon ng pagsasabatas ng RLL, iginiit ni KMU Secretary General Jerome Adonis na hindi nakatulong ang batas sa mamamayang Pilipino dahil tumaas pa ng anim na piso ang halaga ng bigas sa pamilihan.

Iginiit ng KMU na labis ang pasakit ng batas sa mga Pilipino dahil nananatiling mababa ang minimum wage na 645 pesos sa National Capital Region habang nasa 300 lamang sa ibang rehiyon sa bansa.

“Sa Bagong Pilipinas, mas busog ang kapitalista sa manggagawa! Hinahayaan ni Marcos na ipasa ng mga kapitalista sa manggagawa’t mamamayan ang gastos sa produksyon sa porma ng mga dadag-presyo, samantalang pinipilit ang manggagawa na magkasya sa sahod na hindi makabuluhang dinadagdagan,” ayon sa mensahe ni Adonis na ipinadala sa Radio Veritas.

Sinabi ni Adonis na naging maluwag ang mga import policies katulad ng pagpapababa sa presyo ng taripa o buwis ng mga imported na bigas kayat naging mababa naman ang presyo ng lokal na produksyon.

Sa pag-aaral ng BANTAY BIGAS, umaabot na sa 20-bilyong piso ang ikinalugi ng mga magsasakang Pilipino simula ng ipatupad ang R-L-L noong 2018 hanggang sa kasalukuyan.

Naunang umapela sa pamahalaan ang Diyosesis ng Cabanatuan at San Jose sa Nueva Ecija na tinaguriang ‘Rice Granary of the Philippines’ na unahing tulungan ang mga rice farmer sa Pilipinas sa halip na mga negosyante at rice cartels.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 27,127 total reads

 27,127 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 62,035 total reads

 62,035 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 118,441 total reads

 118,441 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 240,636 total reads

 240,636 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top