Pagpatay, hindi lunas sa kasamaan at karahasan sa lipunan-Bishop Bacani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total reads

Hindi ang pagpatay o paglabag sa mga karapatan ng bawat isa ang lunas sa kasamaan ng mundo, sa mga krimen at sa mga kasalanan ng mga tao.

Ito ang pagninilay ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa paggunita ng pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus sa krus upang maisakatuparan ang pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Ayon sa Obispo, para sa Panginoon hindi kailanman lunas o solusyon ang karahasan sa kasamaan ng mundo sa halip ay ang pag-aadya at pag-aalay sa buhay ng kanyang sariling Anak upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan.

“Itong nangyari ngayong Good Friday na pagkamatay ni Kristo na susundan ng kanyang muling pagkabuhay, ito ang lunas ng Panginoon para sa kasalanan ng tao, para sa kasamaan ng tao upang mapawi ang kasalanan ng mga tao. Ganyan ang paglunas ng Panginoon hindi sa pamamagitan ng pagpatay sa tao kundi sa pamamagitan ng pag-aalay ng buhay ng kanyang sariling anak para sa mga taong nagpapatayan at para sa mga taong gumagawa ng masama.” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.



Ipinaliwanag ng Obispo na ito ang patuloy na pagkakamali ng pamahalaan sa kasalukuyan, ang pagpatay sa mga tao na pinaghihinalaan pa lamang o maging napatunayan ng nakagawa ng kasalanan sa lipunan.

Iginiit ni Bishop Bacani na hindi kailanman malulunasan ng paghahasik ng takot, pagpaslang o anumang uri ng karahasan ang mga pagkakamaling nagawa o magagawa ng bawat isa.

Tiniyak ng Obispo na hindi magtatagumpay ang mga ganitong uri ng madaliang solusyon na hindi lamang taliwas sa paraan ng Panginoon kundi sa mismong turo ng Diyos na huwag pumatay.

“Minamadali ang solusyon sa pamamagitan ng paghahasik ng takot, ng dahas at sa pamamagitan ng nangyayari na pagkitil na din ng buhay ng tao na nakikita po natin ay yan ay taliwas sa pamamaraan ng Panginoong Diyos at hindi yan magtatagumpay in the long run.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Ayon kay Bishop Bacani, ang tunay na kapayapaan ay magmumula lamang sa Diyos lalo na sa kanyang Anak na si Hesus na isinilang bilang manunubos at Prinsipe ng Kapayapaan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 9,999 total reads

 9,999 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,411 total reads

 11,411 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 24,758 total reads

 24,757 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,136 total reads

 62,136 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,406 total reads

 93,406 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,066 total reads

 169,066 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,104 total reads

 262,104 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,264 total reads

 25,264 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top