Pagpatay sa elected officials sa bansa, ikinababahala na ng isang mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,893 total reads

Bukod sa limang magkakasunod na insidente ng pagpaslang sa mga lingkod bayan, may 927 na ang mga napatay sa higit isang libong biktima ng karahasan laban sa mga ‘elected official’ simula 2016-2022.

Ito ang inihayag ni Surigao del Norte 2nd district Representative Robert Ace Barbers, kung saan karamihan sa kaso ay wala pang napapanagot.

Muli ring kinondena ng mambabatas ang pinakahuling insidente ng karahasan kung saan napatay si Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Giit ni Barbers, ang mga insidente ng karahasan at ‘political violence’ ay hindi katanggap-tanggap sa lipunan at isang hamon din sa katatagan at seguridad ng bansa.

“While it is painful to bear this recent surge of violence, we should not forget all other public officials who became victims of violence while holding office in the past.   What is more distressing is that most of these cases remain un-solved, their perpetrators have not been brought to justice and certainly roaming around scot-free,” ayon kay Barbers.

Panawagan naman ni House Speaker Martin Romualdez sa mamamayan ng Negros na maging mahinahon, habang inatasan na rin ang pulisya na tutukan ang kaso upang agad mahuli at mapanagot ang mga nasa likod ng pagpaslang.

“We shall apprehend all the perpetrators of the crime including the mastermind,” ayon naman kay Romualdez.

Limang suspek ang naaresto ng pulisya kaugnay sa pagpaslang kay Degamo na ang karamihan ay pawang mga dating sundalo.

Nagpahayag naman ng pakikiisa at pakikiramay sina Dumaguete Bishop Julito Cortez at San Jose, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza sa mga naulilang pamilya ni Degamo gayundin sa mga sibilyan na nasawi sa pamamaril.

Buwan ng Marso ng nakalipas na taon, una na ring nanawagan si Bishop Cortez ng pananalangin dahil sa magkakasunod na karahasan sa Negros island na iniuugnay sa pulitika.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,055 total reads

 22,055 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,182 total reads

 22,182 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,413 total reads

 39,413 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,819 total reads

 95,819 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,320 total reads

 219,320 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,741 total reads

 302,741 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,057 total reads

 22,057 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,184 total reads

 22,184 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top