Pagpatay sa gobernador ng Negros, kinundena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,710 total views

Kinundina ng Diyosesis ng Dumaguete ang  pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa tahanan nito sa gitna ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng kapitolyo at mamamayan ng probinsya.

Ayon kay Dumaguete Bishop Julito Cortes, hindi katanggap-tanggap ang patuloy na serye ng karahasan na nagaganap sa Negros Oriental na matagal ng naghahangad ng kapayapaan, katahimikan at kapanatagan ng loob mula sa tila pag-iral ng ‘culture of violence’ sa probinsya.

Pagbabahagi ng Obispo, bukod sa pakikidalamhati sa pamilya ng pinaslang na gobernador at ibang sibilyang nasawi ay makakaasa ang lahat sa pakikiisa at pananalangin ng buong Simbahan upang makamit ng mga biktima ang katarungan.

“I strongly condemn this hearthbreaking and senseless act of murder in Negros Oriental! How can we ever attain lasting peace if this culture of violence continues to torment us? When will this cycle of killings ever stop? We pray, then, that the perpetrators behind this bloodshed be brough to justice soon.” Ang bahagi ng pahayag ni Dumaguete Bishop Julito Cortes.

Pinaalalahanan naman ng Obispo ang bawat mamamayan na manatiling mahinahon at mapagmatyag sa gitna ng pangamba at takot na hatid ng naganap na insidente.

Nanawagan si Bishop Cortes sa mga ahensya ng pamahalaan para mabilis na makamit ang katarungan sa pamanaslang.

“I urge all government agencies, National and Local, especially the police and military, to work closely togeher for the speedy resolution of these cases, and thus, help us attain peace and justice in our land. May the souls of Governor Degamo and the others who have died in these gruesome killings, rest in peace!” Dagdag pa ni Bishop Cortes.

Bukod sa pananalangin para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng mga nasawi sa insidente at kalakasan ng loob ng mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima ay hinihikayat din ng Obispo ang lahat na patuloy na dasalin ang Oratio Imperata to End the Killings sa probinsya ng Negros Oriental.

Sa pinakahuling tala umaabot na sa 9 na indibidwal ang opisyal na bilang ng mga namatay sa pamamaril na ikinasawi ni Negros Oriental Governor Roel Degamo kung saan ang walong iba pa ay pawang mga sibilyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 28,452 total views

 28,452 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 78,466 total views

 78,466 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 74,335 total views

 74,335 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 109,939 total views

 109,939 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 116,928 total views

 116,928 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top