Pahalagahan ang mga manggagawa, hamon ng CWS sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,201 total views

Pahalagahan ang mga manggagawa, hamon ng CWS sa pamahalaan

Hinamon ng Church People Workers Solidarity (CWS) ang pamahalaan at mga mambabatas na tunay na pahalagahan ang mga manggagawang Pilipino.

Ayon kay CWS National Capital Region Chairman Father Noel Gatchalian, sa pamamagitan ito ng pagsusulong ng mga batas at polisiyang tunay na papataasin ang antas at kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa.

Inihayag ng Pari na ang mga manggagawa na kadalasang kumikita ng minimum wage ay ang mga maituturing na bagong bayani ng ekonomiya.

“Ang mga Manggagawa ang makakalutas sa problema natin, mga social problems natin sapagkat sila ang talagang kumakayod at talagang nagpapakahirap para mabigyan ng dangal ang kanilang pamilya, mapag-aral ang kanilang mga anak, mapakain ang kanilang pamilya, ngunit alam naman natin mahirap ang maging bayani sa bansang Pilipinas na napakababa ng minimum wage,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Gatchalian.

Kinilala din ng Pari ang mga Healthcare Workers at Overseas Filipino Workers na naging bayani higit na noong naranasan ng buong mundo ang COVID-19 Pandemic.

Ito ay dahil sila ang nangalaga sa mga nagkakasakit at nagpatuloy na mag-ahon sa ekonomiya ng Pilipinas matapos malugi ito ng bilyon-bilyong halaga dahil sa pandemya.

Ayon sa Pari, kinakailangan na maisama sila sa mga manggagawang nangangailangan ng pinaigting na proteksyon sa mga polisiya at batas ng pamahalaan upang matiyak na kumikita ng sapat at nananatiling ligtas ang kanilang kapakanan o kalusugan habang nasa linya ng trabaho.

“Ang mga OFW bilang mga bayani ng bayan sapagkat sila ang kumikita at nagbibigay sa atin ng dangal bilang mga Pilipino sa kabila ng kanilang kahirapan sa ibang bansa at noon din ay naging bayani sa mga panahon ng COVID-19 Pandemic ang mga tinatawag natin na nurses, caregivers, doctors na siyang tumulong sa mga may sakit, ngayon alam naman natin na ang araw-araw na buhay ng mga bayani ay yung talagang sumusustento at nagbibigay ng pagkain sa kanilang pamilya,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Gatchalian.

Sa pagpapatuloy ng pag-iral ng 695-pesos na minimum wage sa National Capital Region sa kabila ng mga panawagan ng ibat-ibang grupo na makamit ang 1,200-pesos na National Minimum Wage ay lumago ng punto isang porsyento ang ekonomiya ng Pilipinas ayon sa mga pag-aaral ng Department of Planning, Economy and Development o DEPDEV.

Habang noong pandemya, nanatiling aktibo sa trabaho ang mga healthcare workers upang tugunan ang krisis habang natulungan ng OFW Remittance Rate na hindi tuluyang malugmok ang ekonomiya ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 181,587 total views

 181,587 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 203,697 total views

 203,697 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 275,514 total views

 275,514 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 264,977 total views

 264,977 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top