Paigtingin ang dasal at palakasin ang immune system laban sa COVID-19, payo ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 544 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care sa bawat isa na higit pang paigtingin ang pag-iingat at pananalangin sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio -vice chairman ng kumisyon, hindi dapat maliitin ng sinuman ang kapangyarihan ng dasal na isang direktang koneksyon sa Panginoon at epektibong armas lalo na sa oras ng kagipitan at pangangailangan.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga rin ang patuloy na pag-iingat ng bawat isa gayundin ang mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na mga paraan upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng virus sa bansa.

“Let us not underestimate the power of prayer. Let us intensify our prayers. Second let us be more extra cautious in everything. Maintaining protocols to the max, keeping the social distancing.” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.

Pinayuhan ng Obispo ang mamamayan na palakasin ang resistensya bilang pangunahing proteksyon at depensa mula sa virus.

Binigyang diin naman ni Bishop Florencio ang kahalagahan ng pagpapabakuna na hindi lamang makapagliligtas sa buhay ng mismong nabakunahan kundi maging ng mga tao sa kanyang kapaligiran.

“Mahigit sa lahat boost our immune system. Iyan lang po ang pambato natin. Wala pang lunas ito. At kung ikaw na ang nakatalaga sa vaccination go for it, it will save you and others.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health umabot ng 15,310 ang bilang ng bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw noong ika-2 ng Abril, 2021 kung saan umaabot na sa 771,597 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 101,626 total reads

 101,626 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 178,403 total reads

 178,403 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 211,851 total reads

 211,851 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 247,151 total reads

 247,151 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 469,756 total reads

 469,756 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top