Paigtingin ang kamalayan sa panlipunang usapin, panawagan ng SCMP sa mga mag-aaral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,082 total reads

Ipinaalala ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa mga kabataang mag-aaral na gamitin ang panunumbalik ng face-to-face classes upang paigtingin ang kamalayan sa mga panlipunang usapin..

Ayon kay Kej Andres – Pangulo ng SCMP, napapanahong magkaroon ng karagdagang kamalayan ang mga kabataan upang makatulong sa pagtugon sa mga kinakaharap na suliranin sa ekonomiya at kahirapan sa bansa.

“Hamon sa kabataan na iwaksi ang social isolation dulot ng lockdown, sa halip na magtunggali sa mababaw na bagay, dapat makitang magkakaugnay ang mga isyung kinakaharap ng kabataan lalo na sa usapin ng ligtas na balik-eskwela, mga polisiya sa ilalim ng lockdown, at halaga ng frontliners sa medisina at siyensiya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Andres sa Radio Veritas.

Apela ng SCMP sa pamahalaan na tiyakin na natatamasa ng mas marami pang kabataan ang karapatan na makapag-aral at makapagkamit ng edukasyon.

Kasabay ito ng panawagan sa mga tagapamahala sa sektor ng edukasyon na tiyakin na ligtas mula sa banta ng anumang virus at sakuna ang mga mag-aaral na magbabalik sa pag-aaral.

“Panalangin natin na tuluyan nang makabalik nang ligtas ang mga estudyante sa paaralan sa pinakamadaling panahon at ilaan ang mas malaking budget ng gobyerno para rito lalo na sa mga komunidad at malalayong lugar, dagdag panalangin nating igiit sa pamahalaan ang pagpaparami ng health personnel, health facilities, kakayahan sa testing at treatment, at iba pang impraestruktura upang matugunan ang karapatan sa edukasyon,” ayon pa sa mensahe ni Andres.

Batay sa Department Order #034 Series of 2022 ng DepEd na nilagdaan ni Vice-president at Education Secretary Sara Duterte, magsisimula ang limited face-to-face classes sa August 20 at sa November 02, 2022 naman iiral ang 100% face to face ng mga mag-aaral sa lahat ng paaralan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,964 total reads

 14,964 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 53,061 total reads

 53,061 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 71,271 total reads

 71,271 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,600 total reads

 155,600 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 192,262 total reads

 192,262 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 19,577 total reads

 19,577 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top