Paigtingin ang pagbabantay laban sa mapinsalang pagmimina, panawagan ni Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,332 total reads

Hinimok ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mga nagbabarikada laban sa pagmimina na iangat sa Panginoon ang kanilang patuloy na pakikibaka, kasabay ng panawagang manatiling matatag sa pagtatanggol sa buhay, lupa, at kapayapaan ng kanilang pamayanan.

Ito’y matapos pangunahan ni Bishop Mangalinao ang pagdiriwang ng Banal na Misa kasama ang mga pari, relihiyoso, at mga anti-mining defender sa Barangay Bitnong, Dupax del Norte noong January 12, 2026, sa gitna ng nagpapatuloy na pagtutol ng mga residente sa mining exploration sa lugar.

Binigyang-diin ni Bishop Mangalinao sa kanyang pagninilay ang kahalagahan ng mas pinaigting na pagbabantay sa barikada upang mapigilan ang pagpasok ng mga kawani ng Woggle Corporation–ang kumpanyang nagsasagawa ng exploration.

“Itaas po natin ang ating pagbabantay, itaas natin ang ating barikada. Itinataas natin ito sa pamamagitan ng pagtanggap natin kay Kristo. Itong ipinagtatanggol natin, isama natin si Lord—hindi po tayo nag-iisa,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Aminado ang obispo na maaaring maging mahaba at mahirap ang proseso ng pakikipaglaban, subalit nananatili ang pag-asa na sa huli ay mananaig ang kabutihan at katarungan ng Diyos.

“Maaaring matagalan sa ating kalendaryo, pero sa Kanya, ang nararapat, ang tama, ang buhay, mangyayari at mangyayari sa Kanyang kapangyarihan,” dagdag ni Bishop Mangalinao.

Ang pagdiriwang ng Eukaristiya ay malinaw na pagpapahayag ng patuloy na suporta ng Diyosesis ng Bayombong sa mga apektadong mamamayan at ng mariing pagtutol ng Simbahan sa kasalukuyang mining exploration sa Dupax del Norte.

Nagpasalamat naman ang mga anti-mining defender sa mga religious group sapagkat ang Simbahan na lamang ang nagsisilbi nilang kanlungan at katuwang sa pagtatanggol sa kalikasan at sa kanilang karapatan.

Matatandaang noong December 10, 2025, nabigong ipatupad ang Writ of Preliminary Injunction na inilabas ng Regional Trial Court Branch 30 laban sa mga nagbabarikada sa Sitio Keon, Barangay Bitnong, dahil sa mga kakulangan sa kautusan.

Inaasahan naman ngayong Martes, January 13, na muling susubukang ipatupad ang nasabing Writ of Preliminary Injunction laban sa barikada sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 41,535 total reads

 41,535 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 126,922 total reads

 126,922 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 173,659 total reads

 173,659 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 221,531 total reads

 221,531 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 323,576 total reads

 323,576 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,271 total reads

 169,271 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top