Pakikiisa ni Pope Francis sa 500-years of Christianity sa Pilipinas, biyaya sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 579 total reads

Itinuring ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)na biyaya mula sa Panginoon ang nakatakdang pakikiisa ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filipino, ito rin ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Santo Papa sa mga Filipino.

“We have to glorify God for that holy and historic day, and be ever grateful to our Holy Father. The Holy Mass of our beloved Pope Francis in the Vatican in celebration of our 500 YoC is a great moment of God’s graces for our Overseas Filipino migrants. It is an overflowing blessing for us all, Filipinos and shows deep affection of our Holy Father to our country,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Kinumpirma ni Fr. Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Roma na pangungunahan ni Pope Francis ang banal na misa para sa 500 Years of Christianity ng Pilipinas sa Marso 14 ganap na alas 10 ng umaga sa St. Peter’s Basilica sa Vatican.

Dahil ditto, hinikayat ni Bishop Santos na bahagi rin ng CBCP migrants ministry ang mga Overseas Filipino Workers sa Italy na makiisa sa pagdiriwang at palalimin ang uganayan sa Panginoon at ipagpatuloy ang pakikiisa sa misyon ng Panginoon.

“We, at CBCP EMCI, appeal to our OFWs in Italy to make use of this spiritual celebration as our missions to help and to heal, to be disciples of mercy and peace for one another; and from our country to the world,” dagdag ni Bishop Santos.

Kasama ni Pope Francis sa pagdiriwang sina Cardinal Luis Antonio Tagle ang Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at Cardinal Angelo de Donatis, ang Vicar ng Santo Papa sa Roma.

Inihayag ng Filipino Chaplaincy sa Roma na maaring makibahagi ang mga O-F-W sa livestream ng misa sapagkat limitado lamang sa 100 katao ang maaring makadalo sa St. Peter’s Basilica dahil na rin sa mga limitasyong dulot ng COVID-19 pandemic.

Tiniyak naman ni Fr. Gente na makatatanggap ng pagbabasbas mula kay Pope Francis ang lahat ng Filipino sa buong daigdig sapagkat susundan ang banal na misa ng tradisyunal na Angelus sa Vatican square.

Hiniling naman ni Bishop Santos sa kapwa Filipino na ipanalangin ang ikatatagumpay ng lahat ng gawain sa pagdiriwang ng kaloob na pananampalataya na tinanggap ng mga Filipino 500 taon ang nakalipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 6,835 total reads

 6,835 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 59,645 total reads

 59,645 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 107,517 total reads

 107,517 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 211,464 total reads

 211,464 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 297,257 total reads

 297,257 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top