Pakikisangkot ng Simbahan sa political issues, kinatigan ng Korte Suprema

SHARE THE TRUTH

 3,154 total views

Ikinagalak ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang pagpapatibay ng Supreme Court sa nauna nang desisyon nito kaugnay sa pagpapahintulot sa kontrobersyal na “Team Patay, Team Buhay” tarpaulins ng Diocese of Bacolod noong 2013 Midterm Elections.

Giit ng Arsobispo, hindi maituturing na pakikiialam ang mga ginagawang pakikiisa ng Simbahan sa mga usaping panlipunan, sapagkat tungkulin nito na gabayan sa tamang direksyon ang bayan at protektahan ang bawat mamamayan partikular na ang mga maituturing na maliit na bahagi o sektor ng lipunan.

“We do not want na our country will be led to un-Godly policies kaya ginawa nila iyon, hindi yun pakikialam sa politika in the sense of bad policy na parang kung saan hindi na gusto lang kahit immoral. Pero it would be the Bacolod Diocese did it as a faithful citizens of this country…”pahayag ni Archbishop Arguelles sa Radio Veritas.

Sa pitong pahinang resolusyon ng Korte Suprema, binigyang diin nito na ‘unconstitutional’ ang ginawang pagpapatanggal ng Commission on Elections sa naturang tarpaulins na nakapaskil sa labas ng San Sebastian Cathedral na naglalaman ng mga pangalan ng mga kandidato sa pagka-Senador batay sa kanilang posisyon sa kontrobersyal na Reproductive Health Law na matinding kinukundina ng Simbahang Katolika.

Kabilang sa mga pangalan na nasa Team Patay ay ang mga nagpahayag ng suporta sa pagpapasa sa naturang batas habang ang mga kumontra at nanindigan naman sa kasagraduhan ng buhay ang kabilang sa Team Buhay.

Kaugnay naman nito, batay sa grupong Family Planning 2020 progress report, noon pa lamang taong 2013 umaabot na sa 209-na-libo ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng contraceptives na isa sa isinusulong ng naturang batas na RH Law.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,787 total views

 82,787 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 93,791 total views

 93,791 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 101,596 total views

 101,596 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,740 total views

 114,740 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 126,053 total views

 126,053 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 7,780 total views

 7,780 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 9,741 total views

 9,741 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top