994 total views
Nagalak si Radyo Veritas President Father Roy Bellen sa naging pormal na pakikiisa ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa bilang isa sa mga participating schools sa Season 13 nang Campus Hour Program nang himpilan.
Ayon pa Pari, ang naganap na contract signing sa pagitan ng Radyo Veritas at nang Pamantasan ay pinapatibay ang pagkakaroon ng tunay at aktuwal na karanasan ng mga estudyante na maging bahagi ng radio production.
Ito ay upang matutunan ang mga kinakailangang kakayahan at abilidad na mahalaga sa kanilang piniling landas pagdating sa larangan ng komunikasyon.
“Welcome po sa inyo doon po sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, sa inyong pag-iisa bilang miyembro o isa sa mga paaralan at pamantasan na nagiging bahagi ng ating Campus Hour. Ito po ay hindi lang basta-basta, nabanggit ko kanina doon sa event na hindi lang po ito academic requirement, katunayan po, every time na ang mga kabataan ay nagkakasama-sama, yung ating boses at yung ating mga adbokasiya ay mas lumalakas. At tayo din po ay maraming natutunan. At higit sa lahat, yung mga magagandang mensahe na ipapakalat po natin,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.
Nasasabik naman si Maria Purification Ganavan Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa Faculty at Direktor nang Center for Languages and Development sa partnership na inilunsad dahil mabuting inisyatibo para sa pag-aaral ng mga estudyante.
Gayundin ang inaasahang pagpapalalalim ng kakakayahan ng mga estudyanteng bahagi ng Campus Hour Season 13.
“Bilang mensahe, we’re very excited, and alam ko, ramdam ko, kasi it’s been— I think—since 2023 na kinokontak ako ni Sir Junvel. And ito na, I think ito na yung tamang panahon para ang aking mga advisees ay maipakita ang kanilang skills — yung galing nila sa pagbabalita at pagpapakita ng… ano ba — para maipakita nila yung husay nila sa pag-arte, So maraming-maraming salamat. I hope magtagumpay ang aking mga advisees. That’s all. Thank you so much.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Ganavan.
Sa Campus Hour Season 13 ay makakasama ng pamantasan sa susunod na taon ang Adamson University, World Citi Colleges Aeronautical & Technological College, La Consolacion University of the Philippines, Universidad de Manila, Baliuag University, Colegio de San Juan de Letran, Far Eastern University, Centro Escolar University – Manila, at Centro Escolar University – Malolos.




