500-pisong budget para sa noche buena, inalmahan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,207 total views

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga opisyal ng pamahalaan, higit na ang mga nangangasiwa sa ekonomiya na lumikha ng mga pamamaraan na tunay na magpapababa sa presyo ng mga bilihin, lalo na ngayong panahon ng adbiyento.

Ito ang hamon ni Bishop Santos sa mga lider ng bayan matapos ihayag ng Department of Trade and Industry na sapat ang P500 budget bilang panghanda sa Noche Buena.

Ayon sa Obispo, ang Noche Buena ay isang sagradong pagsasalo-salo ng mga pamilya bilang pakikiisa at paggunita sa kapanganakan ni Hesus at pagdating niya sa mundo.

“Let us remember: Noche Buena is not simply an ‘ordinary meal.’ It is a sacred family gathering, a celebration of Emmanuel—God with us. To diminish it is to diminish the joy of Christ’s coming. Our people deserve more than words; they deserve concrete action to lower prices, to ensure fairness in trade, and to protect the dignity of every Filipino household,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Pinabatid din ng Obispo ang pakikiisa sa mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap na lubhang naapektuhan ngayon ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Nawa, sa kabila ng mga pasakit na nararanasan ng mga Pilipino ngayon ay hindi makalimutan na bukod sa mga salo-salo at regalo, ang sentro ng Adbiyento ay ang paghahanda para sa pagdating ni Hesus.

Gayundin ang pananalangin upang mapukaw ang mga namamahala ngayon na isulong ang katarungang panlipunan upang ang bawat isa ay makapamuhay nang may dignidad.

“Where are the inspectors in our palengke, supermarkets, and sari-sari stores? Our people suffer from price gouging, hoarding, and smuggling, while officials speak of ‘budget meals’ detached from the struggles of the poor. Noche Buena is not meant to be a time of tinipid and limited. It is meant to be a time of rejoicing, of offering our best to God and to one another. It is abundance of faith, not scarcity imposed by neglect. Do not steal the spirit of Christmas from our families,” ayon pa sa mensahe sa Radyo Veritas ni Bishop Santos.

Una nang nilinaw ng DTI na kasya ang P500 na pang-Noche Buena para sa isang pamilyang may apat na miyembro, na batay sa kanilang price guide ay maaaring makabuo ng apat na panghanda katulad ng spaghetti, fruit salad, macaroni salad, at ham o pandesal sa halagang limang daang piso.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 13,378 total views

 13,378 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 36,530 total views

 36,530 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 106,644 total views

 106,644 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 181,256 total views

 181,256 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 260,435 total views

 260,435 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 2,152 total views

 2,152 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top