Panagutin sa Batas ang mga Priest Killer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 718 total reads

Nananawagan ang isang Opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Pamahalaan, sa Simbahan at mamamayan na huwag ilihis ang usapin sa pag-aarmas ng mga Pari, kundi dapat ituon ang pagtugis sa mga pumapatay sa Pari.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, malinaw ang paninindigan ng CBCP na hindi naakma sa mga Pari ang pagkakaroon ng armas na taliwas sa kanilang Misyon na Pagpapalaganap ng Kapayapaan.

“Ang usapin dito may mga paring pinapatay. Ang dapat dito na hanapin ay yung pumatay at kung sinong nasa likod ng pagpatay. Nalilihis tayo sa isyu. Ang talagang malaking isyu dito na dapat pinagtutunan ng pansin ng pulisya, ng simbahan, ng publiko ay yung pagpapatay at hindi ang pag-aarmas ng pari,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Iginiit ni Father Secillano na nagsalita na ang CBCP at malinaw ang paninindigan na hindi pagsang-ayon sa pag-aarmas ng mga Pari.

“The world has its own standards but then again the standards of the church may not be practical for many of us but then that’s where the priests are coming from,” paglilinaw ni Father Secillano.

Binigyan diin ni Father Secillano na mahalagang mahinto ang karahasan hindi lamang sa mga Pari kundi sa iba pang mga biktima ng pagpaslang at makamit ang katarungan.

Ipinaliwanag ni Father Secillano na kung may Pari mang may baril ay nilinaw nito na hindi ito ang panuntunan ng Simbahan.

Sa halip na pag-aarmas, sinabi ni Fr. Secillano na maari namang humingi ng tulong ang mga Pari sa Philippine National Police (PNP) para magkaroon ng ‘Security Detail’ sa kanilang kaligtasan.

Read: Pag-aarmas, isinantabi ng mga Pari ng Diocese of San Pablo Laguna.

Read: CBCP, Tutol sa pag-aarmas ng mga Pari

Si Fr. Richmond Nilo ng Cabanatuan ang ikatlo sa mga biktima ng pinatay na Pari kasunod nina Fr. Mark Anthony Ventura ng Archdiocese ng Tuguegarao, at Fr. Marcelito Paez ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija.

Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco ang mga gumagawa ng baril at ang pagkakaroon nito ay nangangahulugan ng lamang ng kawalang tiwala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 96,206 total reads

 96,206 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 130,883 total reads

 130,883 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 154,656 total reads

 154,656 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 191,141 total reads

 191,141 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 203,273 total reads

 203,273 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top