Pananampalataya, ‘essential’ sa paggaling ng may karamdaman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,044 total reads

Muling nanawagan si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo para payagan na ang mas maraming pagdalo ng mananampalataya sa mga pampublikong misa sa mga parokya.

Ayon kay Bishop Pabillo, mahalaga ang pananampalataya bilang bahagi ng pagpapagaling ng mga may karamdaman lalu na ngayong panahon ng pandemya.

Bukod sa mahusay na manggagamot, bisa ng gamot ay mahalaga ang pananalig sa Diyos para sa paghihilom at kaligtasan mula sa karamdaman.

“Kailangan din na siya ay may pananalig na gagaling siya at paano naibibigay ‘yan? Naibibigay ‘yan ng pananampalataya. Kaya sinisikap natin na iyong mga may sakit ay hindi magbitaw sa pananampalataya na may isang Diyos na may hawak sa buhay natin na ang Diyos na ito’y mapagmahal sa atin anuman ang Kaniyang kalooban, ‘yan ay sa ikabubuti natin,” bahagi ng homiliya ni Bishop Pabillo.

Nawa ayon sa obispo ay makita bilang ‘essential’ ang pananampalataya sa panahong marami ang nagkakasakit at nangangamba sa kanilang kalusugan.

“Pagbigyan n’yo naman kami na maraming makapasok na tao sa simbahan. Kasi iyan po ay kailangan ng mga tao sa panahon ng pandemya. Kailangan nila ng Diyos, sila mismo ay naghahanap. Kaya huwag nating limitahan ang paglapit ng mga tao sa Panginoon. Pero may nagtatanong, ‘essential service ba ang religious services? Ang ating paniniwala essential service,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Ang panawagan ni Bishop Pabillo ay kaugnay na rin sa ginanap na misa para sa ika-29 na Pandaigdigang Araw ng may Sakit na ginanap sa National Shrine of St. Michael and the Archangels.

Sa kasalukuyan ang buong Metro Manila ay nanatiling nasa ilalim ng ‘general community quarantine’ kung saan 30-porsiyento lamang ng kapasidad ng simbahan ang maaring dumalo sa loob ng parokya at mga gawaing simbahan.

Sa homiliya ni Bishop Pabillo, binigyan diin ang kahalagahan ng pagpapagaling sa pamamagitan ng pakikiisa sa kalagayan ng may sakit gayundin ang hangarin na paggaling mula sa karamdaman.

Ang taunang pagtitipon ay karaniwang dinaluhan ng mga may karamdaman bagama’t dulot ng pandemya ay tanging mga manggagamot at mga tagapangalaga ng mga may sakit ang mga dumalo sa misa.

Ang paggunita ng World Day of the Sick ay itinatag ni St. Pope John Paul II kasabay na rin ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes.

Layunin ng paggunita ang patuloy na pagbibigay ng halaga sa pananalangin at pakikibahagi sa paghihirap ng mga may karamdaman sa pamamagitan ng pagpapadama ng pag-ibig ng Panginoon.

Napapanahon din ang pagdiriwang lalu’t nanatiling banta sa kalusugan sa buong mundo ang pandemic novel coronavirus.

Sa Pilipinas, mula sa higit 500-libong kaso ng nahawaan may 11-libo pa rin ang patuloy na ginagamot dahil sa Covid-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 6,351 total reads

 6,351 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 42,686 total reads

 42,686 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 99,092 total reads

 99,092 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 222,459 total reads

 222,459 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 23,158 total reads

 23,158 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 23,029 total reads

 23,029 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top