Panandaliang tulong sa mga magsasaka, hindi sapat para umunlad ang sektor ng agrikultura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,792 total reads

Umapela sa pamahalaan ng pangmatagalang solusyon ang grupong Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa.

Ayon kay KATARUNGAN Secretary General Danny Carranza, hindi sapat ang panandaliang tulong sa mga magsasaka para mapaunlad ang produksyong titiyak sa food security ng bansa.

“Sa kalagayan ng agrikultura ngayon sa ating bansa pangmatagalan at komprehensibong [tugon] ang dapat na pinag-uusapan ng pamahalaan kasama dapat ang magsasaka.” pahayag ni Carranza sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Carranza ang pamamahagi ng lupa para sa magsasaka lalo’t ito ang direktang nagbubungkal at nagpapaunlad sa produktibidad ng lupa gayundin ang suportang serbisyo kasama ang paggamit ng teknolohiyang makatutulong sa sektor ng agrikultura.
Dismayado rin ang grupo na kadalasang hindi naipararating sa mga magsasaka ang nararapat na benepisyo kabilang na ang insurance sa tuwing may kalamidad.

Sinabi ni Carranza na dapat paigtingin ng pamahalaan ang paggawa ng hakbang para sa sapat na patubig sa mga lupang sakahan at iginiit na hindi sapat ang cloud seeding sa pagkakaroon ng ulan tuwing tagtuyot.

“Halos normal na ito sa panahon ng climate change mahalaga na komprehensibo ang gawing pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura at isa sa mayor na usapin sa agrikultura ay ang irigasyon.” giit ni Carranza.

Aniya, maraming water system sa bansa tulad ng mga ilog na maaring paunlaring irigasyon para sa mas permanenteng pagkukunan ng tubig sa mga lupang sakahan.

Sa datos ng National Irrigation Administration (NIA) noong 2021 nasa 65 porysento sa mahigit tatlong milyon ektaryang irrigable area sa bansa ang napatayuan ng irigasyon subalit ayon kay Carranza may mga proyektong hindi napakikinabangan dahil sa maling disenyo.

Panawagan ng simbahang katolika sa pamahalaan na bigyang prayoridad ang sektor ng agrikultura na pangunahing magtitiyak sa suplay ng pagkain sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 32,917 total reads

 32,917 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 140,613 total reads

 140,613 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 185,283 total reads

 185,283 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 207,489 total reads

 207,489 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 243,026 total reads

 243,026 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top