Panawagan ng CEAP: Letter of support para sa mga frontliners at Covid-19 patients

SHARE THE TRUTH

 366 total views

Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines-National Capital Region (CEAP-NCR) ang mga mag-aaral na magpaabot ng mga mensahe ng pagsuporta sa mga frontliners sa gitna ng pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Fr. Nolan Que, Regional Trustee ng CEAP-NCR at School Director ng Clusters 5 and 6 ng Roman Catholic Archdiocese of Manila Educational System (RCAM-ES) ang hakbang ay hindi lamang pagsuporta kundi magsilbing aral para sa mga kabataan sa pagsasakripisyo ng mga frontliners tulad ng ginawang pagpapakasakit ni Hesus para sa sanlibutan.

Giit ng pari ang malikhaing paraan ng pagpapahayag ng suporta ng mga kabataan para sa mga medical frontliners ay isa ring paraan upang maturuan ang mga kabataan na makatulong sa kapwa sa simpleng paraan ng pagpapahayag ng suporta.

“The letters we asked you to send to the doctors, nurses, and COVID-19 patients is our way for us, the Church, to gather as one body and seek God’s intercession to heal our infected brothers and sisters while strengthening the resolve of our medical personnel to treat them,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Que.

Paliwanag pa ni Fr. Que, isa rin itong paraan upang makapagpaabot ng panalangin sa Panginoon upang gabayan ang mga medical frontliners sa kanilang pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga may sakit dulot ng COVID-19.

“When you sent those letters, you were not merely complying to our request. It was your way of taking care of other members of the Church. You felt their pain and suffering but limited by our new reality, you sent the letters hoping these will alleviate their suffering,” dagdag pa ni Fr. Que.

Pagbabahagi pa ni Fr. Que, positibo ang naging tugon ng mga alumni doctors at nurses na nakatanggap ng mga liham ng pagsuporta ng mga mag-aaral para sa lahat ng mga frontliners kabilang na para sa police, janitors, supermarket personnel at local government officials.

Ayon sa Pari, isa rin itong magandang aral para sa mga estudyante na hindi lamang nakatutok sa mga aralin o asignatura sa halip ay nakabatay sa tunay na pagsasabuhay sa mga turo ng Panginoon.

“I sent some of your letters to our alumni doctors and nurses and their responses were heartwarming. I hope you also take time to send your letters to the police, janitors, supermarket personnel, and local government officials who continue to safeguard us,” ayon pa kay Fr. Que.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 36,261 total views

 36,261 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 78,475 total views

 78,475 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 94,026 total views

 94,026 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 107,158 total views

 107,158 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 121,570 total views

 121,570 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 11,155 total views

 11,155 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top