Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pang-ulam, ipinamahagi ng Caritas Sorsogon

SHARE THE TRUTH

 316 total views

March 21, 2020-10:57am

Tiniyak ng Diocese ng Sorsogon na patuloy na magsisilbi ang simbahan sa mamamamayan ng lalawigan sa kabila ng banta ng Novel Corona Virus Disease o COVID-19 pandemic.

Ayon sa inilabas na pahayag ng diyosesis, ito ay hindi lamang sa paghahatid ng pangangailangang espiritwal sa pamamagitan ng online mass kundi maging sa kanilang pangangailangan tulad ng mauulam sa hapag kainan.

“This is our smallest way of kindness in alleviating the needs of our poor parishioners who dont have food on their table because of this present crisis. May this act of sharing through alay kapwa program brings hope and joy to everyone,” pahayag ng Caritas Sorsogon.

Ngayong araw (March 21) ay namamahagi na ng isdang mauulam sa bawat parokya ang Sorsogon Social Action Foundation Inc./Caritas Sorsogon lalu na mga pamilyang walang pagkakakitaan.

Hinihiling sa bawat parokya ng maglagay ng mga drop-off point para sa pamamahagi ng pagkain at panatilihin ang pagsunod sa social distancing upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Payo din ng diyosesis na hangga’t maari ay iabot sa bawat tahanan ang tulong upang hindi na magtipon-tipon ang maraming tao na maglalagay sa bawat isa sa panganib sa pagkalat ng virus.

Sa Bicol Region bagama’t wala pang naiuulat na kumpirmadong kaso nang nagtataglay ng virus may higit naman sa 90 libong mamamayan ang naitala bilang persons under monitoring ayon na rin sa regional office ng Department of Health (DoH).

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 26,920 total views

 26,920 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 57,001 total views

 57,001 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 71,061 total views

 71,061 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 89,439 total views

 89,439 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 38,847 total views

 38,847 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »
1234567