Pangulo ng CBCP, kinontra si Vice Ganda sa panawagang ibalik ang parusang kamatayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,857 total views

Nagpahayag ng pasasalamat si Kaloocan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kay TV personality at komedyanteng si Vice Ganda sa kanyang paninindigan laban sa katiwalian.

Gayunman, nilinaw ng Kardinal na hindi siya sang-ayon sa panawagan para ibalik ang parusang kamatayan, lalo na laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Cardinal David, nauunawaan niya ang galit ng publiko at ang sigaw para sa pananagutan. Subalit, iginiit na ang pagtutol ng Simbahang Katolika sa death penalty ay nakaugat sa katotohanang kadalasang mahihirap ang napaparusahan, samantalang ang mayayaman ay hindi napapanagot.

“I understand the outrage and the demand for serious accountability. But the Church’s opposition to capital punishment is rooted in this reality: in practice, it is almost always the poor who end up executed, while the wealthy escape. Those with money can buy the best legal defense, delay trials indefinitely, or manipulate the system. The defenseless and powerless have no such protection,” ayon sa pahayag ni Cardinal David sa kanyang facebook post.

Paliwanag ng Kardinal, ang mga may pera ay may kakayahang kumuha ng pinakamagaling na abogado, pahabain ang paglilitis, at manipulahin ang sistema habang ang mahihirap at walang kakayahan ay walang proteksyong katulad nito.

Binalikan din ni Cardinal David ang kasaysayan, kung saan madalas ginagamit ang batas bilang sandata ng mga makapangyarihan. Aniya, maging si San Juan Bautista at si Hesus ay mabilis na nahatulan ng kamatayan, habang ang mga tunay na salarin ay nakaligtas.

Dagdag pa ng opisyal ng simbahan; ”History, too, warns us: the law is often weaponized by those in power. Remember how both St. John the Baptist and Jesus were swiftly condemned to death, while the truly guilty walked away unpunished.That’s why the answer to corruption cannot be more death, but a deeper reform of justice — one that protects the poor and holds the powerful accountable”.

Binigyang-diin niya na ang sagot sa korapsyon ay hindi karagdagang kamatayan, kundi mas malalim na reporma sa sistemang pangkaturangan—isang sistemang tunay na magtatanggol sa mahihirap at mananagot ang makapangyarihan.

Ang pahayag ay kaugnay na rin sa isinagawang Trillion Peso March sa Edsa People Power Monument kung saan nanindindan ang may isang daang libong mamamayan laban sa katiwalian at pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya, partikular ang mga ghost at substandard flood control projects ng Departmenf of Public Works and Highways.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 40,389 total views

 40,389 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 63,541 total views

 63,541 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 133,655 total views

 133,655 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 208,269 total views

 208,269 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 285,379 total views

 285,379 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top