Panibagong DUI, kinundena ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,796 total reads

Kinundina ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang panibagong kaso ng karahasan sa diyosesis partikular na sa Navotas City.

Eksaktong isang buwan makalipas na mapaslang ng Navotas City Police ang 17-taong gulang na si Jemboy Tolentino Baltazar dahil sa mistaken identity noong ikalawa ng Agosto, 2023 ay pinaslang naman ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang kaibigan nito na si Daniel Gaudia Soria, 20-taong gulang noong ikalawa ng Setyembre, 2023.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang pagkadismaya sa pagkakadagdag ni Soria sa mahabang listahan ng DUI o death under investigation sa bansa.

Ayon kay Bishop David maituturing na isang palaisipan kung kanino maaring tumakbo at humingi ng katarungan ang mga biktima ng karahasan sa lipunan kung wala namang nag-iimbestiga at kung ang mga dapat na nag-iimbestiga ay sila ding iniimbestigahan.

“ANOTHER DUI (“death under investigation“) Whom will the citizens run to when no investigation is being done by those who are supposed to do the investigating? Who will do the investigating when the supposed investigators are those who need to be investigated?” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Una ng inihayag ni Bishop David na sinasalamin ng mga patuloy na karahasang nagaganap sa lipunan ang culture of impunity na lumaganap noong nakalipas na administrasyong Duterte.

Iginiit ng Obispo na ang pagkitil sa buhay ng sinuman maging ng mga hinihinalang sangkot sa droga o anumang krimen sa lipunan ay mananatiling ilegal, imoral at isang malinaw na paglabag sa batas ng tao at batas ng Diyos.

Matatandaang una na ring nanawagan si Bishop David sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na gampanan ang kanilang mandato bilang alagad ng batas at tagapagtanggol ng mamamayan sa lipunan.

UNDAS 2026, generally peaceful

 12,141 total reads

 12,141 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 22,469 total reads

 22,469 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 72,221 total reads

 72,221 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 231,414 total reads

 231,414 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 258,575 total reads

 258,575 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 291,773 total reads

 291,773 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 12,143 total reads

 12,143 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top