Panukalang batas laban sa pamilya at sagradong kasal, hindi makakapasa sa Kongreso.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total reads

Naniniwala ang dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi maipapasa ang mga panukalang batas ni House Speaker Pantaleon Alvarez na laban sa pamilya at pagpapakasal.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz at kasalukuyang Judicial Vicar of the National Tribunal Appeals ng CBCP, hindi makakapasa sa Senado ang mga panukala ni Alvarez dahil maraming batas ang dapat na palitan tulad ng mga probisyon sa Family code of the Philippines.

Una na ring inihayag ni Alvarez ang panukalang pagkakaroon ng civil union- para sa same sex at opposite sex, ito ay maliban sa umiiral na civil marriage at church marriage sa bansa at ang dissolution of marriage para mapadali ang paghihiwalay ng mga mag-asawa na hindi na masaya ang pagsasama.

“It is all going against natural law, going against civil law ,constitution and family code of Philippines. So I do not know if the proposal would pass and they had to revised the constitution and revise Republic code of the Philippines,”pahayag ni Archbishop Cruz sa Radio Veritas

Sinabi pa ng arsobispo, maaring may pinagdadaanan ang mambabatas na dahilan ng kaniyang panukala.

“He is experiencing difficulties on marriage, that’s why he came about this civil union, which is a novelty.” ayon pa kay Archbishop Cruz.

Naniniwala rin ang arsobispo na hindi sasang-ayon ang Senado sa ganitong uri ng panukala na may sariling desisyon na hiwalay sa House of Representatives.

Dagdag pa ni Archbishop Cruz: “It is something personal to him. He came out with these, it’s a mixture of anything and everything. But I do not know if these will pass.”

Base sa Philippine Statistics Authority, mula 2005 hanggang 2015 bumaba ng 20 percent ang bilang ng nagpapakasal sa Pilipinas na naitala na lamang sa 400 libo, kabilang na dito ang civil marriage, church marriage at mga marriage rites na isinasagawa ng Muslim at iba pang sekta.

Una na ring pinuna ng Santo Papa Francisco ang ‘culture of the provisional’ dahil kalimitan ding nauuwi sa paghihiwalay ang pagsasama na taliwas sa layunin ng kasal na isang panghabangbuhay na pangako ng dalawang nagmamahalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,261 total reads

 8,261 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,849 total reads

 47,849 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,160 total reads

 83,160 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,429 total reads

 309,429 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,300 total reads

 202,300 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,389 total reads

 7,389 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top