Paracale Gold project, tinututulan ni Bishop Abcede

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,580 total views

Mariing nanindigan si Daet Bishop Herman Abcede laban sa planong pagmimina sa Barangay Tawig, Paracale, Camarines Norte, na pinangangambahang magdulot ng panganib sa kalikasan at buhay ng mga residente.

Ang nasabing proyekto na Paracale Gold Project ng Golden River Mining Corporation ay inaasahang tatagal lamang ng humigit-kumulang pitong taon ngunit maaaring mag-iwan ng pangmatagalang pinsala.

Ayon kay Bishop Abcede, ang pagmimina, lalo na ang open-pit mining, ay hindi lamang usaping pang-ekonomiya kundi isang moral na hamon na may direktang epekto sa tao at kalikasan.

Aniya, ang ganitong proyekto ay may kakayahang magdulot ng malalim at pangmatagalang pinsala na hindi madaling maibalik.

“Ito ay hamon na hindi natin maaaring takasan. Sapagkat ang usaping ito ay hindi lamang teknikal o pangnegosyo–ito ay usapin ng kalusugan, konsensya, dignidad, at kinabukasan ng tao,” pahayag ni Bishop Abcede.

Ipinaliwanag ni Bishop Abcede na sa mas malalim na pagtingin, ang pagmimina ay nagdudulot ng tatlong sugat—sa kalikasan, sa tao, at sa kaluluwa ng pamayanan—na maaaring hindi na tuluyang maghilom.

Iginiit din niya na hindi dapat isugal ang kinabukasan ng mamamayan kapalit ng kita ng iilan, lalo’t nalalagay sa panganib ang kalusugan, kabuhayan, ugnayan ng pamilya, at kapakanan ng nakararami.

“Hindi natin maaaring paghiwalayin ang kalikasan, kabuhayan, kalusugan, at moralidad. Kapag ang isa ay nasugatan, lahat ay nasasaktan. Ito ay iisang panawagan–panawagan ng Diyos sa Kanyang bayan,” saad ni Bishop Abcede.

Dahil dito, binigyang-diin ng pastol ng Diyosesis ng Daet na hindi maaaring manahimik o manatiling walang paninindigan ang Simbahan at ang mamamayan sa gitna ng seryosong banta sa kapaligiran at buhay.

Aniya, may moral na obligasyon ang lahat na kumilos at ipagtanggol ang kabutihang panlahat.

Dagdag pa ni Bishop Abcede, kailangang tiyakin na ang anumang proyekto ay ligtas, makatarungan, at tunay na nakatuon sa kapakanan ng lahat bago ito pahintulutan.

“Hindi sapat ang pagiging neutral kapag ang buhay ay nalalagay sa panganib. Sa harap ng seryosong banta sa tubig, kalikasan, kalusugan, at kinabukasan, hindi tayo maaaring sumang-ayon sa ganitong uri ng pagmimina hangga’t hindi napapatunayan nang walang pagdududa na ito ay ligtas, makatarungan, at tunay na nakabubuti sa lahat,” giit ng obispo.

Hinamon ng obispo ang pamahalaan na unahin ang buhay kaysa kita, ang kumpanya na maging responsable, at ang mamamayan na maging mulat, magtanong, makilahok, at manindigan para sa tama, at iginiit na ang pag-unlad na may kapalit na pagkasira ay hindi maituturing na tunay na biyaya.

“Kung ang ginto ay kapalit ng tubig, kalikasan, kalusugan, at kinabukasan, hindi ito biyaya kundi tukso na dapat tanggihan. Piliin natin ang buhay. Piliin natin ang kinabukasan. Sapagkat ang tunay na kayamanan ay hindi nakukuha sa paghuhukay ng lupa, kundi sa pag-iingat sa buhay na ipinagkaloob ng Diyos,” ayon kay Bishop Abcede.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa disenteng tahanan

 68,476 total views

 68,476 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 100,411 total views

 100,411 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 132,430 total views

 132,430 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 284,487 total views

 284,487 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 305,867 total views

 305,867 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 40,313 total views

 40,313 total views Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top