Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PasaLord Prayer Movement, nanawagan ng sama-samang panalangin sa tagumpay ng BSKE

SHARE THE TRUTH

 1,750 total views

Inilaan ng PasaLord Prayer Movement ang sama-samang pananalangin sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PasaLord Interfaith Prayer Movement Founder at Lead Convenor Lourdes “Nanay Bing” Pimentel, mahalagang ipanalangin ang nakatakdang halalang pambarangay upang maihalal ang mga karapat-dapat na mga opisyal na maglilingkod ng tapat para sa kapakanan ng pamayanan.

“Napakaimportante itong eleksyon ng kabarangayan at ng SK Sangguniang Kabataan, importante po. So God bless everyone and let us all pray together so that we will elect the right people for the positions so that they will sincerely help us and serve us.” Ang bahagi ng pahayag ni Pimentel.

Nanawagan naman si Pimentel sa bawat isa na huwag ipagbili ang boto sa halip ay isipin kung sino ang tunay na makapaglilingkod para sa kabutihan at kapakanan ng bawat mamamayan sa barangay.

Apela ni Pimentel, “Maawa po kayo sa inyong sarili, maawa po kayo sa inyong mga anak, maawa po kayo sa inyong mga ka-barangayan kung inyo pong ipagbibili ang inyong boto, kawawa. Kawawang kawawa po sapagkat yung serbisyo na dapat po na inyong maramdaman na may inakit, mayroong puso na magsilbi ay hindi ninyo makikita.”

Iginiit ni Pimentel na mahalagang pumili ang bawat botante ng mga opisyal ng barangay na may naaangkop na kakayahan, puso, sensiredad, at kaalaman upang pangasiwaan ang pagpapaunlad at pagsasaayos ng kapakanan ng bawat kasapi ng pamayanan.

Partikular na pinaalalahanan ni Pimentel ang mga kabataan na maging matalino sa pagpili ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan na kakatawan sa kanilang kapakanan sa barangay.

“Nandito po ang PasaLord Prayer Movement para maliwanagan at matulungan po lahat ng botante ng barangay lalo na po ang SK-Sangguniang Kabataan, kailangan po yung mahusay hindi yung gusto mag-iinom inom party-party lang ang alam hindi po. Kailangan may programa para sa mga kabataan yan po ay inyong tingnan at kilala naman ninyo lahat ng kabataan sa inyo, kumuha kayo ng isang responsable at tulad din may puso, may sensiredad, may kaalaman at mayroong pananalig sa ating Panginoon.” Dagdag pa ni Pimentel.

Batay sa kasalukuyang tala ng COMELEC aabot sa 42,027 ang bilang mga barangay sa buong bansa kung saan kinakailangang maghalal sa nakatakdang halalang pambarangay ng 42,027 Punong Barangay at SK Chairperson gayundin ang kanilang katuwang sa pamamahala sa barangay na mga miyembro ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan na aabot sa 588,378.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,430 total views

 44,430 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 81,911 total views

 81,911 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 113,906 total views

 113,906 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,634 total views

 158,634 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,580 total views

 181,580 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,692 total views

 8,692 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,204 total views

 19,204 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,693 total views

 8,693 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,517 total views

 61,517 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 39,105 total views

 39,105 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 46,044 total views

 46,044 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top