Pagsasapubliko ng ikalawang bahagi ng Laudato Si, akma sa COP28 summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,969 total views

Umaasa ang Living Laudato Si’ Philippines na higit na pahahalagahan ang tinig at karapatan ng mga apektado ng krisis sa klima sa panibagong kasulatang ilalabas ng Kanyang Kabanalan Francisco upang suportahan ang ensiklikal hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay LLS Philippines executive director Rodne Galicha, ipinapakita ng kasalukuyang kalagayan ng daigdig ang matinding pangangailangan upang pagtibayin ng Simbahan ang paninindigan laban sa lumalalang krisis dulot ng pagbabago ng klima.

Ginawa ni Galicha ang pahayag matapos i-anunsyo ng Santo Papa noong Agosto 21 na naghahanda na ito sa pagsasapubliko ng ikalawang bahagi ng Laudato Si’ na nakatakda sa Oktubre 4,2023 sa kapistahan ni San Francisco ng Asis, ang patron ng sangnilikha.

“As the impacts of this climate crisis intensify, it becomes increasingly essential for the Church to take a resolute and unwavering position, highlighting the urgency of addressing this global challenge,” bahagi ng pahayag ni Galicha.

Iginiit naman ni Galicha na lubhang mahalaga ang pagkilos ng pamahalaan at mga korporasyon upang makalikha ng mga desisyong tutugon sa mga suliraning pangkalikasan.

Inihayag ni Galicha opisyal na naaakma rin ang inisyatibo ng Santo Papa sa nalalapit na 28th United Nations Climate Change Conference of Parties o COP28 Summit sa Disyembre para muling tipunin ang mga kinatawan ng bansa upang talakayin at lumikha ng kasunduan na tutugon sa mga krisis sa klima.

Kabilang na rito ang muling pagtalakay sa Paris Agreement na layong makamit ang 1.5-degree Celsius na temperatura ng daigdig.

“It is of vital importance to promptly put into action practical, necessity-based, and authentic strategies that align with the aim of achieving the 1.5-degree Celsius aspiration. This entails the preservation and renewal of vulnerable ecosystems,” ayon kay Galicha.

Taong 2015, walong taon na ang nakakalipas nang ilathala ni Pope Francis ang Laudato Si’ upang ibahagi ang mga aral tungo sa kristiyanong pamamaraan ng pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Ito ang ikalawa sa ensiklikal na inilathala ni Pope Francis, kasunod ng Lumen Fidei at sinundan ng Fratelli Tutti.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 5,273 total views

 5,273 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 33,837 total views

 33,837 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 83,851 total views

 83,851 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 79,523 total views

 79,523 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 114,783 total views

 114,783 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top