1,845 total views
Nilinaw ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na tanging ang CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs ang magkakaroon ng ugnayan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at hindi ang buong kalipunan ng Obispo sa bansa.
Ayon kay Bishop David, saklaw ng mandato ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs na pinangungunahan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista na chairman ng komisyon at executive secretary Fr. Jerome Secillano ang makipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan upang isulong ang mga mahahalagang usapin na pinaninindigan ng Simbahang Katolika sa lipunan.
Pagbabahagi ng Obispo, bahagi din ng mandato ng komisyon na isulong ang moral-ethical approach para sa pagtugon sa mga mahahalagang usaping panlipunan sa bansa kabilang na ang suliranin ng ‘insurgency’ o patuloy na pag-iral ng mga komunistang grupo sa bansa.
“It’s not exactly CBCP as a conference but the Episcopal Commission of Public Affairs that is there as a private sector representative. As such, this Commission has access to the NTF-ELCAC ExeCom and more opportunity to express the Church’s specific concerns, since its mandate is to act as a liaison of the CBCP to the public and private sectors and to advance some of the social concerns and issues of the Church. The said Commission also has the intention of providing moral-ethical approaches to dealing with the problem of insurgency.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop David.
Paliwanag ni Bishop David, una ng inihayag ng komisyon na kabilang sa kanilang tututukan sa pagkakaroon ng direktang pakikipag-ugnayan sa NTF-ELCAC ay ang usapin ng patuloy na red-tagging sa iba’t ibang mga grupo at batayang sektor ng lipunan kabilang na ang ilang mga organisasyon ng Simbahan.
“The said Commission clarifies that they are engaging with the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) precisely to address some Church issues vis-a-vis government, including the issue about the red tagging of some cause-oriented groups and Church organizations by the said body.” Ayon pa kay Bishop David.
Paglilinaw ni Bishop David, ang CBCP ay binubuo ng 31 mga komisyon, komite at mga tanggapan na mayroon kani-kanilang mga mandato at tungkulin bilang tagapagsulong sa mga misyon at adbokasiya ng Simbahang Katolika.