Pope Leo XIV, nanawagan ng dayalogo sa Gitnang Silangan at Holy land

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,461 total reads

Muling nanawagan si Pope Leo XIV ng agarang pagbabalik sa dayalogo at negosasyon upang makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Holy Land at sa buong Gitnang Silangan, kasabay ng kanyang pag-aalala sa patuloy na lumalalang karahasan sa rehiyon.

Sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo, sinabi ng Santo Papa na patuloy niyang sinusubaybayan nang may matinding pagkabahala ang lumalalang sitwasyon sa West Bank at Gaza, kung saan marami nang sibilyan ang nasawi dahil sa nagpapatuloy na labanan.

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga sangkot sa hidwaan na muling buksan ang landas ng negosasyon tungo sa isang makatarungang pampulitikang solusyon na nakabatay sa pantay na dignidad at karapatan ng bawat tao.

“I urge all parties involved to suspend their attacks and urgently reopen avenues of dialogue and diplomacy, so that the peace so greatly desired by the entire region may be achieved without delay.” Panawagan ni Pope Leo XIV.

Nagbabala rin ang Santo Papa na ang patuloy na paglala ng mga operasyong militar sa Gitnang Silangan ay nagdudulot ng mas maraming pagkasawi ng mga sibilyan at nagpapalala sa kakulangan ng malinis na tubig at suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang lahat ng mananampalataya na ipagpatuloy ang pananalangin para sa lahat ng mamamayang dumaranas ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“May the Lord touch hearts and enlighten the minds of those in positions of responsibility, so that reconciliation and peace may soon prevail.” Panalangin ng Santo Papa.

Paalala ng Simbahan, ang Catholic Social Teaching ay nagtuturo na ang tunay na kapayapaan ay nakaugat sa katarungan, paggalang sa dignidad ng bawat tao, at tapat na pagsusulong ng dayalogo at pagkakasundo sa halip na karahasan at digmaan.

Inihayag ni Pope Leo XIV ang panawagan sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo kasabay ng patuloy na paglala ng karahasan sa Holy Land at sa iba pang bahagi ng Gitnang Silangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 4,736 total reads

 4,736 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 42,621 total reads

 42,621 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 96,459 total reads

 96,459 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,885 total reads

 159,885 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 227,667 total reads

 227,667 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top