Patuloy na suporta sa Caritas Manila, panawagan ng Viva Communications at One Meralco Foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 100,670 total reads

Inaanyayahan ng Viva Communications at One Meralco Foundation ang mga Pilipino na suportahan ang mga inisyatibo ng Caritas Manila sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasalanta ng kalamidad at pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap.

Ginawa ni Viva – Concert Director Paul Basinillo at One Meralco Foundation President Jeffrey Tarayao ang apela sa naging matagumpay na “Padayon Pag-ibig, Damayan sa Pag-ahon” concert.

Ang malilikom na pondo ay ipagkakaloob sa Caritas Manila para itaguyod ang rehabilitasyon ng mga tahanan na nasira ng lindol sa Cebu at Davao.

Inihayag ni Basinillo na pagtutulungan ng Viva Communications, One Meralco Foundation at Caritas Manila para mabilis na makabangon ang mga nasalanta ng lindol.

Inaasahan ni Basinillo ang pakikiisa ng mga kabataan sa mga inisyatibong tutulungan ang mga nabibiktima ng kalamidad upang mamulat at mapalalim ang kanilang kaalaman.

“Syempre gusto natin yung mga kabataan talaga ang mag-represent para tumulong sa ating mga nasalanta. So together with Caritas Manila and Viva, pinagtulungan natin ito para makagather tayo ng enough funds para matulungan natin yung ating mga kababayan. So guys, we’d like to invite you to please support our effort, especially Padayon. We’ve done Padayon in the past and now it’s Padayon 2025. Sama-sama po tayong tumulong at supportahan ang ating mga kababayan na nasalanta,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Basinillo.

Inaanyayahan naman ni Tarayao ang mga Pilipino na makiisa sa mga programa ng Caritas Manila para tulungan ang biktima ng kalamidad at mga nagugutom.

“Kaya kung tayo po ay magtutulong-tulong, magiging makabuluhan po ang pagdiriwang hindi lamang ng kanilang Pasko, kundi ng Pasko ng ating mga sarili. Kaya maraming maraming salamat po. this collaboration happened because of our partnership with Caritas Manila. One Meralco Foundation and Caritas Manila has been working together for many years. Father Anton, for example, is in the board of One Meralco Foundation and we see the participation of the Church very important in the work that we do in One Meralco Foundation,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Tarayao.

Nagtatanghal sa concert ang mga Viva Artist na sina Angela Muji, Ashtine Olviga, Aubrey Caran, Carlo, CJ Villavicencio, Dana Pauline, Heart Ryan, Justine Lim, Juan Caoile, Keagan de Jesus, Kiel, Kurt Delos Reyes, Lee Dae Won, Martin Venegas, Meg Zurbito, Nic Galvez, Nicole Omillo, Rabin Angeles, Rafa Victorino, Rhodessa, Sara Joe, at marami pang iba.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 52,847 total reads

 52,847 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 157,469 total reads

 157,469 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 194,256 total reads

 194,256 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 224,832 total reads

 224,832 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 271,118 total reads

 271,118 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 23,743 total reads

 23,743 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »
Scroll to Top