Paulit ulit na nagpaparehistro, binalaan ng COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,672 total reads

Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa mga botante na sadyang paulit-ulit na nagpaparehistro na isang election offense o paglabag sa batas.

Ayon sa opisyal na pahayag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, labag sa batas ang paulit-ulit na pagpaparehistro na may kaukulang parusa na pagkakakulong ng isa hanggang sa anim na taon.

Pagbabahagi ni Garcia may Automated Fingerprint Identification System (AFIS) na ginagamit ang ahensya upang matukoy at masuri kung ang isang botante ay rehistrado at kabilang na sa kanilang opisyal na listahan ng mga botante o multiple registrant ba ang mga ito na may paulit-ulit na rehistro.

Paliwanag ng opisyal sakaling mahuli at mapatunayan ang multiple registration ng isang botante ay tatanggalin ito sa listahan ng mga botante sa bansa at maaari ding kaharapin ang kasong may kaugnayan sa election offense.

“Meron po kaming AFIS, ‘yun pong Automated Fingerprint Identification System na ikinacounercheck po namin kung ang isang botante ay registered na before or multiple registrant ba ‘yan… ‘pag napatunayan namin, patatanggal namin ‘yung registration, at the same time pwede pong maharap ng kasong election offense. Isa hanggang anim na taong pagkakakulng ‘yun pong botante na gagawa po noon.” Ang bahagi ng babala ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia.

Samantala, patuloy naman ang pawagan ng COMELEC sa mga eligible voters na samantalahin na ang nalalabing araw ng voters registration sapagkat hindi na ito palalawigin.

Bagamat nagtapos na ang Register Anywhere Project ng COMELEC sa ilang piling mall sa bansa noong ika-22 ng Enero, 2023 ay nagpapatuloy naman ang Satellite Voter Registration ng COMELEC hanggang sa ika-31 ng Enero, 2023.

Nasasaad sa Repubic Act (RA) No. 11935 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatakda ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa huling araw ng Lunes sa buwan ng Oktubre o sa ika-30 ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 75,163 total reads

 75,163 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 106,991 total reads

 106,991 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 208,817 total reads

 208,817 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 249,376 total reads

 249,376 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 266,776 total reads

 266,776 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 53,651 total reads

 53,651 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top