Payak na pumumuhay, paalala ng Pista ng Pangilin sa Payag.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 854 total reads

Ipagdiriwang ng lalawigan ng Misamis Occidental ang isa sa pinakamalaking pagtitipon- ang Pista ng Pangilin sa Payag (Feast of the Tent) bukas, ika-7 ng Oktubre.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, ito ay isang pagdiriwang na nilalahukan ng lahat ng mga simbahan ng lalawigan.

Paliwanag ni Archbishop, ang kapistahang ito ay napapanahon dahil ito ay panawagan sa mga mananampalataya ng pagiging payak sa pamumuhay.

“Dito pala may celebration sila na ganyan, Pangilin sa Payag. It is a reminder of the people of Misamis Occidental, that our forefathers were people of simplicity, they live simply to care for the earth, the environment. And we have to follow our… the virtues of our fore fathers. I like this celebration because it is very relevant and very appropriate, calling people to be simple and also to have a sense of being neighbors to one another,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Dagdag pa ng arsobispo, isa ring tampok sa Pista sa Payag ay ang paghahandog ng ‘Sugong’ na mula sa iba’t ibang simbahan na nilalagyan ng donasyon o pondo para sa mga pari na ginagamit sa kanilang pagpapagamot.

“One feature of Pangilin sa Payag, is their love for priest and they will offer ‘Sugong’. From month of September, the BEC’s they will transfer Sugong from one chapel to another and will offer it sa Pangilin sa Payag and the money raised will be for the health care of our priest,” dagdag pa ng Obispo.

Ang Sugong ay isang kawayan na ginagamit noon ng ating mga ninuno sa pag-iigib ng tubig.

Pangunahan ni Archbishop Jumoad ang misa na isasagawa sa Birhen ng Kotta sa Panguil Bay at si Archbishop Emeritus Jesus Dosado naman ang siyang magbibigay ng homiliya.

Ang Birhen ng Kotta ng Ozamiz ay itinayo noong 1755 ito ay tinatawag kilala rin bilang Nuestra Señora de Triunfo o Our Lady of Triumph at pinaniniwalaang milagrosa na kalimitang dinarayo ng mga pilgim tuwing ika-16 ng Hulyo at ika-8 ng Disyembre. Ito rin ay nagsisilbing gabay sa mangingisda ng Panguil Bay.

Si Archbishop Jumoad ay itinalagang arsobispo ng Ozamiz noong 2016 bilang kahalili ni Archbishop Dosado.

Ang arkidiyosesis ay binubuo ng 43 mga pari na nangangasiwa sa 22 parokya.

Ang lalawigan ay binubuo ng higit sa 600 libong populasyon na may 70 porsiyento ang mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,287 total reads

 6,287 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,546 total reads

 41,546 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,030 total reads

 78,030 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,241 total reads

 96,241 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,237 total reads

 180,237 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top