PBBM, hinimok ang mga Pilipino na isabuhay ang malasakit at pagkakaisa sa Pista ng Traslacion ng Poong Jesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 80,703 total reads

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Katolikong Pilipino sa taunang pagdiriwang ng Feast of the Black Nazarene o Traslacion.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, at pagkakaisa sa gitna ng hamon ng pang-araw-araw na buhay.

Ayon sa Pangulo, “Every year, the procession of the Nazareno reminds us that Filipino faith walks barefoot on hot pavement, squeezes through crowded streets, and bears upon its shoulders the daily worries of our countrymen striving for a more certain tomorrow.”

Pinuri ni Pangulo Marcos ang dedikasyon at pagtitiyaga ng mga deboto, na nagpapakita ng panata, diwa ng pamayanan, at matibay na pagkakaisa, na nagpapanatili sa maraming pamilya at komunidad na patuloy na ipagtanggol ang kanilang dangal at tiyakin ang kanilang kinabukasan.

Binigyang-diin din niya ang aral mula sa imahe ng Nazareno: “The image of the Lord stumbling under the weight of the cross speaks to a people who know how it is to be tired, yet still choose to rise and move forward together.”

Hinimok ng Pangulo ang bawat Pilipino na hindi lamang maabot ang imahe ng Nazareno kundi hayaan ding maging gabay ang debosyon sa pamumuhay, paggawa, at pagtulong sa kapwa: “If we can go through great lengths for a moment of contact with the image, we can also persevere in the daily work of choosing honesty over falsehood, service over self-interest, and compassion over indifference.”

Giit ni Pangulong Marcos, ang pagdiriwang ay dapat magpatibay sa sama-samang panata ng mga Pilipino na buhatin ang pasanin ng kapwa, maging patas sa pagbabahagi ng oportunidad, at panatilihing buhay ang pag-asa sa araw-araw na pagpapasya, tungo sa mas makatao at tapat na Bagong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 58,415 total reads

 58,415 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 162,551 total reads

 162,551 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 199,339 total reads

 199,339 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 229,914 total reads

 229,914 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 275,937 total reads

 275,937 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top