Sa Misa Mayor ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno: Bishop Sescon, nanawagan ng pagbabagong-loob ng sambayanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 60,674 total reads

Mariing nanawagan ng pananagutan, malasakit, at kusang pagpapakumbaba para sa kapakanan ng bayan si Balanga Bishop Rufino Sescon Jr., sa kanyang homiliya sa Misa Mayor ng Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno na ginanap sa Quirino Grandstand.

Iniuugnay ng obispo ang kanyang mensahe sa tema ng Nazareno 2026 na “Dapat siyang tumaas at ako naman ay bumaba,” na hindi lamang panawagang espiritwal kundi malinaw na hamon sa mga may kapangyarihan na kusang bumaba alang-alang sa awa at pag-ibig sa mamamayan.

“Tumigil na. Tama na. Maawa na kayo sa taumbayan. Mahiya naman kayo. Bumaba na ng kusa, alang-alang sa awa at pag-ibig,” ayon sa pahayag ni Bishop Sescon.

Ipinaliwanag ng obispo na ang tunay na kadakilaan ay hindi nagmumula sa kapangyarihang makalupa kundi sa pagpapakumbaba at matapat na pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Tinukoy rin niya ang kasalukuyang kalagayan ng bansa, kung saan patuloy nabubunyag ang malawakang katiwalian, kabilang ang paglulustay at pagkamkam ng ilang opisyal ng pamahalaan sa trilyong pisong pondo na sa halip ay dapat nailalaan sa mga programang makikinabang ang taumbayan.

Binigyang-diin ni Bishop Sescon na may mga lider na tumatangging bumaba kahit lantad na ang kanilang mga pagkukulang, dahilan upang patuloy na magdusa ang mamamayan, lalo na ang mahihirap at mga sektor na naisasantabi.

“Sa ating bayan ngayon, may mga ayaw bumaba kahit mali na at bistado na. Ayaw bumaba kahit pahirap na sa bayan, ayaw bumaba kahit nagdurusa na ang mga mahihirap. Ayaw bumaba kahit binabaha na at nasisira na ang bayan. Ayaw bumaba kahit hindi karapat-dapat,” giit ng obispo.

Ipinaliwanag din ni Bishop Sescon na ang pagkakatawang-tao ni Hesus ay isang kusang pagbaba ng Diyos sa sanlibutan at hindi bunga ng kahinaan kundi malayang pasya ng pag-ibig na dapat tularan ng bawat Kristiyano, lalo na sa gitna ng krisis at pagkakahati-hati ng lipunan.

Hamon naman ni Bishop Sescon sa daan-libong deboto ng Poong Jesus Nazareno na huwag lamang ipakita ang debosyon sa mga ritwal, gaya ng pagsampa sa andas tuwing Traslacion, kundi isabuhay ito sa konkretong paglilingkod at pakikinig sa Diyos.

“Huwag lang tayong mag-unahan sa prosesyon kundi sa misyon. Huwag sa pagalingan kundi sa paglilingkod. Mag-unahan tayong bumaba sapagkat nauna nang bumaba ng kusa si Kristo,” ani Bishop Sescon.

Dagdag pa ng obispo, ang tunay na debosyon sa Poong Jesus Nazareno ay nasusukat sa kakayahang makinig at umunawa sa kapwa lalo na sa mga naaapi, nangangailangan, at humihingi ng katarungan at katotohanan.

Sa pagtatapos ng kanyang homiliya, nanawagan si Bishop Sescon ng sama-samang pagbabagong-loob hindi lamang bilang mga indibidwal na deboto kundi bilang iisang bayan.

“Sa mundo, taas ang hanap at baba ang iwas. Baliktad sa Diyos; ang nagpapakababa ang itinatataas. Ang baba ang daan pataas,” diin ng obispo.
Katuwang ni Bishop Sescon sa Misa Mayor sina Archbishop Rex Andrew Alarcon, Bishop Antonio Tobias, Bishop Teodoro Bacani Jr., mga kinatawan ng Apostolic Nunciature, at mga pari mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 44,660 total reads

 44,660 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,025 total reads

 130,025 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 176,761 total reads

 176,761 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 224,633 total reads

 224,633 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,521 total reads

 326,521 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top