Bishop Presto, nakikiisa sa mga deboto ni Jesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 80,067 total reads

Hinimok ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto ang mga Pilipino na palalalimin ang pagdedebosyon sa Poong Jesus Nazareno.
Ito ang mensahe ng pakikiiisa ng Obispo sa Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno at nang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church.
Ayon kay Bishop Presto, sa pamamamagitan ng pakikiisa sa kapistahan ay higit na makikilala si Hesus sa puso at tahanan ng bawat mananampalataya at makikita ang kaniyang sakripisyo sa krus.
“Minahal tayo ng Diyos, maging sinuman tayo, anuman ang kalagayan natin sa buhay, at kahit na tayo ay patuloy sa buhay ng pagkakasala. Habang tinatahak natin ang daraanan ng prusisyon, ating damahin ang pag-ibig na ito ng Diyos sa atin. Atin ding sabihin kay Hesus: Salamat Panginoon sa Iyong dakilang pag-ibig sa akin. Mahal kita, O Hesus, kaya’t ako ay nakahandang magmahal din sa aking kapwa at magpatawad sa mga taong nagkasala sa akin. Sa iyong pagmamahal ay buong-puso kong iniaalay sa iyo ang aking kahinaan at mga pagkakasala, patawarin mo ako, O Hesus,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.
Hinihikayat din ng Obispo ang pagkakaroon ng imahen ng Poong Hesus Nazareno sa tahanan ng bawat Pilpino upang magsilbing pag-asa sa puso ng bawat isa anumang suliranin na kahaharapin.
Hinimok ni Bishop Presto ang mga mananamapalataya sa pakikiisa sa mga ‘localized traslacion’ at iba pang gawain ng ibat-ibang Diyosesis sa pagdiriwang ng Nazareno 2026 sa Pilipinas.
“Mga minamahal na kapatid, tayo ay inaanyayahang maging misyonero sa ating kapwa katoliko. Anyayahan natin silang makilahok sa mga gawain ngayong fiesta o magsimulang magdebosyon kay Hesus Nazareno. Walang mawawala sa atin kung may imahe Tayo ng Poong Nazerno sa ating mga kabahayan. Ang imaheng ito ni Hesus ang makapagbibigay sa atin ng pag-asa sakali nang dumaranas Tayo ng matinding pagsubok sa buhay,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.
Naunang tiniyak ni Quiapo Church Rector and Parish Priest Father Jade Licuanan at pamunuan ng national shrine na ligtas at maging maayos ang traslacion ng Nazareno 2026.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 19,086 total reads

 19,086 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 38,696 total reads

 38,696 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,360 total reads

 78,360 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 112,488 total reads

 112,488 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 168,893 total reads

 168,893 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top