General amnesty sa hindi nabayarang PhilHealth contribution, ipinag-utos ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 72,265 total views

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng general amnesty para sa mga hindi nabayarang kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na sakop ang mga employer, may-ari ng negosyo, at mga self-employed member.

Ayon sa anunsiyo ng Pangulo, bibigyan ang mga benepisyaryo ng isang taong palugit upang bayaran ang lahat ng hindi nabayarang kontribusyon mula Hulyo 2013 hanggang Disyembre 2024.

Kasabay nito, ipatutupad din ang one-time waiver para sa interes ngayong 2026 upang mas mapagaan ang pagbabayad.

“Alam naman namin na ‘yung three percent na binabayad para sa PhilHealth eh medyo – na buwan-buwan ay nara – ramdam na ramdam ng ating mga kababayan. Kaya’t gagawa po tayo at inutusan ko po ang PhilHealth, gagawa tayo nitong taon na ito, 2026, ang tinatawag naming one-time waiver para sa interest ngayong taon 2026,” ayon sa mensahe ng Pangulo.

Inatasan ni Pangulo Marcos ang PhilHealth na tiyaking maayos at mabilis ang pagpapatupad ng amnesty.

Sa kanyang video message, binigyang-diin ng Pangulo na layunin ng hakbang na mapagaan ang pasanin ng publiko sa gastusin sa healthcare at iba pang pang-araw-araw na suliranin.

Sinabi ni Pangulong Marcos, “Hinihikayat din natin ang ating mga employer na i-update na ang lahat ng information ninyo at magrehistro – irehistro ang mga empleyado ninyo sa Yaman ng Kalusugan o ‘yung ating tinatawag na YAKAP program. Kaya po ito po ay patuloy naming ginagawa upang pagaanin ang dala ng ating mga kababayan tungkol nga sa mga healthcare costs at sa lahat ng iba’t ibang hamon na hinaharap ng ating mga kababayan araw-araw.”

Ayon sa pagtaya, nasa mahigit 300,000 ang makikinabang sa programa, na makatutulong sa pagbibigay ng mas maayos at pantay na access sa serbisyong pangkalusugan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 20,033 total views

 20,033 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 70,047 total views

 70,047 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 65,916 total views

 65,916 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 101,851 total views

 101,851 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 109,439 total views

 109,439 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top