Gamitin sa tama ang 2026 national budget, panawagan ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 73,326 total views

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, ang pamahalaan at mamamayan na tiyaking magagamit nang tama at ligtas mula sa katiwalian ang 2026 National Budget na nagkakahalaga ng ₱6.793 trilyon.

Ayon kay Bishop Santos, malaki ang epekto ng katiwalian sa karaniwang Pilipino.

Paliwanag ng obispo, na kung ang proyekto ay nakatala lamang sa papel at hindi natutupad, naaapektuhan ang mga magsasaka na naghihintay ng irigasyon, ang mga estudyante na kulang sa silid-aralan, at ang mga pasyente na umaasa sa maayos na health center.

“This moment must serve as a wake-up call for our nation. A wake-up call to those in power— to lead with integrity, to reject the culture of impunity, to remember that public office is a sacred stewardship, not a personal entitlement,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Binigyan diin ni Bishop Santos, na ang ganitong katiwalian ay hindi lang pagkukulang sa trabaho kundi pagtataksil sa tiwala ng tao.

Dagdag pa ng obispo, “May this year’s budget become an instrument of renewal—an opportunity to rebuild trust, restore accountability, and ensure that every peso truly serves the common good.”

Pinaalalahanan din ng obispo ang mga opisyal ng pamahalaan na ang pambansang pondo ay hindi nila pag-aari kundi para sa sambayanan kaya’t dapat itong gamitin para sa kabutihan ng nakararami at hindi para sa luho o personal na interes.

Hinikayat din niya ang mamamayan na maging mapagmatyag, humiling ng malinaw na ulat, at makilahok sa pangangalaga ng pondo ng bayan.

Giit pa ni Bishop Santos, na ang pambansang badyet ay hindi lang plano sa paggasata kundi dokumento na nagpapakita ng mga pangunahing pangangailangan at pagpapahalaga na dapat mapakinabangan ng mga mahihirap, manggagawa, magsasaka, kabataan, at nakatatanda.

Nananawagan di si Bishop Santos sa bawat isa na patuloy na manalangin sa Diyos na gabayan ang bansa at mga lider upang maisakatuparan ang pondo nang tapat, pangalagaan laban sa katiwalian, at maipamahagi sa mga tunay na nangangailangan.

“Lord, heal our land. Awaken the hearts of our leaders. Give them the courage to confront wrongdoing, the humility to correct past failures, and the integrity to serve with honesty and compassion. May this moment of national reckoning be a turning point— a call to become better leaders, faithful stewards of the resources entrusted to them,” ang bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 20,025 total views

 20,025 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 70,039 total views

 70,039 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 65,908 total views

 65,908 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 101,843 total views

 101,843 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 109,431 total views

 109,431 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top