948 total views
Umalma si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pahayag ng Chinese Foreign Ministry na nagsasabing hindi dapat makialam ang Pilipinas sa tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.
Unang naghain ng protesta ang China laban sa Pilipinas matapos banggitin ng Pangulo sa isang panayam na dapat maging handa ang bansa sakaling lumala ang sitwasyon sa Taiwan.
“I don’t know what they are talking about. Playing with fire? I was just stating facts. There… We do not want to go to war,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“And I think because of the narrative coming out about playing with fire and being provocative and all of that, kaya nagka-increase ng activity doon sa West Philippine Sea,” dagdag ng Pangulo.
Sa ginanap na press briefing sa palasyo, sinabi ng Pangulong Marcos na hindi maiiwasan na maapektuhan ang Pilipinas, magkagulo sa Taiwan sakaling ituloy ng China ang pagsakop sa bansa
“If there is a war over Taiwan, we will be indrawn, hihilaan tayo sa ayaw at gusto natin. Kicking and screaming. We will be drawn and dragged into that mess,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Umaasa si Pangulong Marcos na hindi mangyayari ang gulo sa Taiwan kung saan tinatayang may 151,562 ang mga nagtatrabaho sa bansa.
“But if it does, we have to plan for it already. And that’s what I was talking about. How do we get our people out? How do we protect the – kung magkagulo – giyera na nga dito, eh malapit na sa atin. Anong gagawin natin? “Okay lang, normal lang ‘yan, pababayaan na lang natin kung sino pasok-labas dito sa atin.” Hindi naman puwede ‘yun,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Tiniyak din ng punong ehekutibo na mananatili pa rin sa West Philippine Sea ang mga barko ng Pilipinas.
Ito ay matapos magbanggaan ang China Coast Guard vessel 3104 at People’s Liberation Army Navy (PLA Navy) ship 164 sa layong 10.5 nautical miles sa Bajo de Masinloc dahil sa paghahabol sa mga barko ng PIlipinas.
“What will happen here is we will continue to be present. We will continue to defend our territory. We will continue to exercise our sovereign rights. And despite any opposition from anyone, we will continue to do that as we have done in the past three years,” dagdag ng Pangulo.
“They are just doing their duty. They are performing their mission to defend the Philippines and we will not stop doing it. We will only stop doing it when the threats stop,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, mas mabuti sana kung ang pondo para sa depensa at seguridad ay magagamit sa agrikultura, pabahay, at trabaho. Ngunit dahil sa banta sa bansa, napipilitan ang pamahalaan na maglaan para rito.
Hindi rin nais ng Pilipinas, ayon sa pangulo ang anumang komprontasyon at patuloy ang hangarin na maging mas maayos, matatag, malaya, at ligtas ang bansa.